Sunday, October 07, 2012

Kung ako ba siya?


Masama bang mabaliw sa kanta? eh kung sa taong gusto mong kantahan nito? mas nakakabaliw kung malaman niyang kakantahin mo ito sa kanya. Napapansin ko kasi na mahigit isang linggo ko na itong paulit ulit na pinakikinggan sa cellphone ko. Dahilan para umalingaw-ngaw ang kwarto ko kakasabay sa pagkanta nito.

Bakit ba kasi kaibigan lang ang tingin nya sa akin? Nagloloko ba ko? oh mukha lang talagang di kapani-paniwala ang nararamdaman ko? Alam ko naman na hindi ako ganun ka-gwapo, ka-porma, at mahiyain akong tao, di lang halata pero nahihiya din naman ako.

Bakit ba kasi bigla bigla ka nalang dumating sa buhay ko? bakit ba kasi kapag hindi  ka nag tetext eh naiinis ako? Malamang hindi ka nga interesado sa torpeng katulad ko. Pasensya, gusto lang kitang makilala pa. Kung ako ba siya? iibigin mo? Sabihin mo kung paano ako lalayo sayo, kahit na magkalayo naman talaga tayo?...

Naiinis ako sa sarili ko, bakit ba kasi hindi nalang ako sya? May pag asa kaya? Kahit na mahirap tanggapin sa damdamin, Pag ibig mo pala ay hindi para sa akin...

Friday, September 28, 2012

Pag ibig.

   



     Minsan di natin namamalayan na lubos na pala tayong nasasaktan ng taong lihim na minahamal. Huwag kang tanga, wala pang naiibentong gamot sa tanga. Bakit di mo nalang sabihin ng harapan kaysa itago at masaktan ka lang? Ang Pag-ibig ay parang isang roller coaster, hihigpitan mo ang kapit kahit na alam mong nahihirapan ka nang huminga. Minsan ka na nga lang magmahal ng tapat ikaw pa ang malulugi sa timbangan. Matuto kang maawa sa sarili mo, hindi yung literal na nasasaktan ka na, pero humahabol ka pa.

     Magkaiba ang nagpaubaya sa pinakawalan, parang kandila at posporo yan, sinisindihan at unti unting mauubos. Ang posporo bago pa man maubos sa daliri mo at mapaso ka, pinatay mo na. Saan ba hahantong ang pagpapaubaya mo kung unti unti ka namang pinapatay nito? Mamimili ka lang naman eh, sa kandilang minuto ang bibilangan bago ka pa mapaso o sa posporo na segundo lang eh paso ka na?

     Bakit kasi nauso ang mga terminong "di ako mabubuhay kung mawawala ka." Pakiusap, hindi nya literal na dala ang puso mo, mararamdaman mong sawi ka lang kung wala ka nang nararamdaman. Minsan kasi hindi ka lang marunong mag appreciate, kaya akala mo sa kanya lang umiikot ang mundo mo. Matuto ka kasing makiramdam sa paligid mo, malay mo may malay din sila sayo? 

     Buti pa ang mga bata, alam nila kung gusto nila ang isang bagay. Di tulad ng matatanda, ang daming paliguy-ligoy, iisa lang din naman ang desisyon sa huli. Mahirap naman talaga ikumpara noong bata pa tayo, walang inisip kundi maglaro at asarin ang kapitbahay mo at magtago sa likod ng pinto kapag hinabol ka. Ngayon, kailangan nating harapin ang sakit, kahit nakasalalay pa minsan ang isang toneladang pag-ibig na handang sumabog mula sa puso mo papunta sa mundo. 

     Ang Mundo nga daw ay isang malaking quiapo, maraming snatcher. maaagawan ka. lumaban ka.

     

Friday, September 21, 2012

Paki ko sa Nararamdaman mo?



     Anong paki ko sa nararamdaman mo? Paki mo sa nararamdaman ko?--MAHAL KITA!
alam mo ba kung anong ginagawa ko noong naghiwalay tayo? Ang sabi ko sayo makakahanap ka ng mas makakahigit pa sa akin, pero ano? Nahigitan ba ko? Malamang "oo" ang isasagot mo sa akin ngayon. Marami ng nangyari sa atin, magkaiba ng buhay na tinatahak, kahit pa na nag ngi-ngitian tayo sa tuwing nagkikita tayo. Di mo alam kung gaano ako nasaktan sa mga nangyari noon.--taon na ang binilang. 

     Di na kita naipaglaban pa noon, maaaring hindi narin ngayon, lumaki na ko. Pero hindi ko malilimutan ang mga sulat mo at munting regalo na ibinigay mo tuwing sasapit ang "Monthsarry" natin, di mo lang alam kung gaano ako kinilig tuwing magkaka titigan tayo sa mata; sa tuwing magkahawak tayo ng kamay at sabay maglalakad. Ikaw ang prinsesa ko noong mga araw na 'yon. Sayo lang umikot ang mundo ko. Di mo lang alam kung gaano ako nasasaktan tuwing tinutukso ka nila sa iba. --Andito naman ako sa harap nyo. Mas masakit nung naupo ka sa table nya at di sa table ko, at sinabi nilang mas bagay kayo. Akala ko noong mga panahong iyon binuhusan ako ng tubig na may yelo. Gusto kong tumakbo papalayo pero parang nasimento ang mga paa ko at may nakadagan sa puso kong kasing bigat ng malaking tipak ng bato.

     Ang sakit noong natanggap ko yung text mo na sinabi mong may minamahal ka ng iba, maniwala ka man o hindi walang tumulong luha sa mga mata ko sa sobrang sakit.--Umambon, langit na ang gumawa para sa akin ng luha ng mga sandaling iyon, sa katunayan paghahandaan ko ang pakikipag balikan sayo noon.--Natakot lang ako. Gusto kitang yakapin noong unang pagkikita natin mula ng maghiwalay tayo, pero nakikita ko sa mata mo ang pagkalungkot sa nangyari. 


     Huwag kang mag alala, lumipas na ang lahat ng iyon, alaala na lamang ang natitira sa puso ko, mga pangyayari na di ko malilimutan na dumaan sa buhay ko. Malamang pag nabasa mo to sasabihin mo;

"Paki ko sa nararamdaman mo?" Huwag ka mag alala, yan din malamang ang isasagot ko sayo.

Tuesday, September 18, 2012

Panahon




     Parang bumibilis ang panahon? Parang kama-kailan lang ang drama at napaka emotional ko, lalo na pagdating sa usaping Pag-ibig. Mga bagay na nalilimutan kong gawin dahil sa kakaisip sa "kanya" pero katulad nang mabilis na pag-ragasa ng panahon, maraming pangyayari, maraming pagbabago at kung paano ako naka move-on sa mga "Facebook Posts" niya, --nila. Makikita mo naman ang takbo ng buhay ng bawat isa sa atin kahit na di mo ito kilala sa personal, masusubaybayan mo ang bawat minuto at oras kung paano nila ginagamit ang mga oras at sandali nila dito sa mundo. 

Friday, September 14, 2012