Friday, September 21, 2012

Paki ko sa Nararamdaman mo?



     Anong paki ko sa nararamdaman mo? Paki mo sa nararamdaman ko?--MAHAL KITA!
alam mo ba kung anong ginagawa ko noong naghiwalay tayo? Ang sabi ko sayo makakahanap ka ng mas makakahigit pa sa akin, pero ano? Nahigitan ba ko? Malamang "oo" ang isasagot mo sa akin ngayon. Marami ng nangyari sa atin, magkaiba ng buhay na tinatahak, kahit pa na nag ngi-ngitian tayo sa tuwing nagkikita tayo. Di mo alam kung gaano ako nasaktan sa mga nangyari noon.--taon na ang binilang. 

     Di na kita naipaglaban pa noon, maaaring hindi narin ngayon, lumaki na ko. Pero hindi ko malilimutan ang mga sulat mo at munting regalo na ibinigay mo tuwing sasapit ang "Monthsarry" natin, di mo lang alam kung gaano ako kinilig tuwing magkaka titigan tayo sa mata; sa tuwing magkahawak tayo ng kamay at sabay maglalakad. Ikaw ang prinsesa ko noong mga araw na 'yon. Sayo lang umikot ang mundo ko. Di mo lang alam kung gaano ako nasasaktan tuwing tinutukso ka nila sa iba. --Andito naman ako sa harap nyo. Mas masakit nung naupo ka sa table nya at di sa table ko, at sinabi nilang mas bagay kayo. Akala ko noong mga panahong iyon binuhusan ako ng tubig na may yelo. Gusto kong tumakbo papalayo pero parang nasimento ang mga paa ko at may nakadagan sa puso kong kasing bigat ng malaking tipak ng bato.

     Ang sakit noong natanggap ko yung text mo na sinabi mong may minamahal ka ng iba, maniwala ka man o hindi walang tumulong luha sa mga mata ko sa sobrang sakit.--Umambon, langit na ang gumawa para sa akin ng luha ng mga sandaling iyon, sa katunayan paghahandaan ko ang pakikipag balikan sayo noon.--Natakot lang ako. Gusto kitang yakapin noong unang pagkikita natin mula ng maghiwalay tayo, pero nakikita ko sa mata mo ang pagkalungkot sa nangyari. 


     Huwag kang mag alala, lumipas na ang lahat ng iyon, alaala na lamang ang natitira sa puso ko, mga pangyayari na di ko malilimutan na dumaan sa buhay ko. Malamang pag nabasa mo to sasabihin mo;

"Paki ko sa nararamdaman mo?" Huwag ka mag alala, yan din malamang ang isasagot ko sayo.

8 comments:

  1. Hello!

    Your blog has been successfully updated in the listings.

    Thank you,
    BNP
    blogsngpinoy.com

    ReplyDelete
  2. I definitely like like like this post, Kuya! SUPPPPPPER! Galinnnng :") <3

    ReplyDelete
  3. w0w br0ken hearted...
    nakakarelate ak0 dit0 ah...
    nice and beautiful p0st p0w...
    sana makam0ve 0n ka na p0w...
    at makahanap ng iba :)...

    ReplyDelete
    Replies
    1. yes. broken hearted yung unang part, pero naka move on na sa ending..

      naka move narin ako,at nakahanap narin ng iba. :)

      salamat sa pagbisita!!! :)

      Delete
  4. Naku... punong-puno ng bitterness ang post. Sana maging maayos din kayo in the future. Focus on the good memories instead. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes, puro bitterness nga eh.. pero sana, magkaayos nga kami ng tuluyan... :)

      Delete