Tuesday, September 18, 2012

Panahon




     Parang bumibilis ang panahon? Parang kama-kailan lang ang drama at napaka emotional ko, lalo na pagdating sa usaping Pag-ibig. Mga bagay na nalilimutan kong gawin dahil sa kakaisip sa "kanya" pero katulad nang mabilis na pag-ragasa ng panahon, maraming pangyayari, maraming pagbabago at kung paano ako naka move-on sa mga "Facebook Posts" niya, --nila. Makikita mo naman ang takbo ng buhay ng bawat isa sa atin kahit na di mo ito kilala sa personal, masusubaybayan mo ang bawat minuto at oras kung paano nila ginagamit ang mga oras at sandali nila dito sa mundo. 


     Medyo lumalayo ata ako sa usapan, ang sabi ko lang naman bumibilis ang panahon, akalain mong nakaka dalawang taon narin ako sa pagtatrabaho, dahilan para mas malimutan ko ang mga di kanais nais na pangyayari sa buhay ko, ayoko nang alalahanin pa.

     Ewan ko ba kung bakit pagdating sa pagsusulat ay mas nasasabi ko ang mga ito, mga bagay na di ko basta nasasabi sa mga taong nakapaligid sakin. Yes. Ako na! Gusto ko lang naman pabagalin ang takbo ng oras sa sarili kong oras, diba? mukhang mas magugustuhan kong sarilinin ang oras ko. Di kasi ako magaling sa time-management.. Pero sa isang banda, masaya narin na mabilis ang oras, ang panahon. Indikasyon ito na masaya ako sa mga ginagawa ko.. Habang sinusulat ko ito umiinom ako ng kape, para ma feel ko lalo yung drama ng panahon. Medyo malamig at masama ang pakiramdam ko. Sinubukan kong mag facebook sandali pero mga fan-pages lang ang bumubungad sakin at ilang likes ng mga kaibigan ko sa mga photos ko. 

     Masaya din ang mabilis na panahon, marami kang matutunan, mga bagay na mahirap alamin kaya bumabagal ang oras natin. :)



2 comments:

  1. Una, Congrats sa dalawang taon na pagtatrabaho. At tama ka... mabilis ang takbo ng oras kaya we should make each second count. Bawasan ang drama, mas masarap tumawa. Nakakabata pa. hehe :)

    ReplyDelete
  2. @ mr.nightcrawler, tama! mas masaya tumawa nang may dahilan. I make every second count! - kanta ito eh. ahaah thanks for dropping by. :)

    ReplyDelete