Monday, May 25, 2015

Unfair

ang unfair talaga minsan ng buhay, may mga taong gusto mo na di ka gusto, may mga tao naman na gusto ka pero di mo gusto. Unfair nga ba? Orl talagang balanse lang? Tabla? Bakit may mga taong sasaktan ka lang? Nakakalungkot isipin na may nag eexist talaga na tao para saktan ka, paasahin para paiyakin ka. Para ipamukha sayo na wala ka. Mahina... Bakit nasasaktan ako? Dahil ba gusto ko siya o dahil wala syang gusto sakin? O dahil wala syang nararamdaman para sa akin? Ang swerte ng mga taong may nagmamahal at minamahal, mga taong may kaaway sa text o sa tawag, mga taong kaya kang pagsabihan, taong mag aalala sayo... Ayoko namang mabuhay mag isa... Nakakatakot. Takot akong mag isa kahit nasanay na ako....

Sunday, May 24, 2015

May forever

image



     Parang mga puno at halaman, malalanta, pero muling sisibol.. Paulit ulit, kahit na anong bagyo o tag init ang dumating, sisibol at sisibol parin.. Pipilitin kong maniwala na may forever nga, na may tamang panahon para sa bawat bagay tulad ng pag-ibig.  Kung kelan ako sisibol para magmahal ulit, hindi ko rin sigurado. Pero ang alam ko, sa tuwing nasasaktan ako, muling magkakaroon ng panibagong umaga, panibagong tag init at bagyo, na syang magiging batayan ko para mapatunayan na may forever. 

Wednesday, May 20, 2015

Loving can hurt.

Loving can hurt, loving can hurt sometimes

Bakit ako nasasaktan sa tuwing nakikita kitang nakatitig sa kanya? Sa mga sulyap mong alam kong hindi naman para sa akin? Natutuwa ka sa tuwing nakikita mo sya, natutuwa ka sa susulyap ka... Banaag sa mga mata mo ang labis na saya. Pero bakit kapag  sa akin ikaw ay tumingin na, bakit nalulungkot ako ng sobra? Nakakatunaw na ngiti sa labi, kinukurot ang puso kong manhid.--na akala ko dati ay tunay ngang manhid. Totoo naman na wala akong laban sa kanya, pero napapansin mo din kaya ang taglay kong saya pag napapansin mo? Napapansin mo kaya ako? Sana hindi. Kung malalaman ko ang sagot mo masasaktan ako.. Pero sa totoo lang, andito lang ako sa sulok, minamasdan ka, minamasdan kung paano mo hinahangaan ang osang tulad niya, na alam kong minsan di ko naman makakaya..
Loving can hurt sometimes, but for me loving can hurt always

Monday, May 18, 2015