Wednesday, May 20, 2015

Loving can hurt.

Loving can hurt, loving can hurt sometimes

Bakit ako nasasaktan sa tuwing nakikita kitang nakatitig sa kanya? Sa mga sulyap mong alam kong hindi naman para sa akin? Natutuwa ka sa tuwing nakikita mo sya, natutuwa ka sa susulyap ka... Banaag sa mga mata mo ang labis na saya. Pero bakit kapag  sa akin ikaw ay tumingin na, bakit nalulungkot ako ng sobra? Nakakatunaw na ngiti sa labi, kinukurot ang puso kong manhid.--na akala ko dati ay tunay ngang manhid. Totoo naman na wala akong laban sa kanya, pero napapansin mo din kaya ang taglay kong saya pag napapansin mo? Napapansin mo kaya ako? Sana hindi. Kung malalaman ko ang sagot mo masasaktan ako.. Pero sa totoo lang, andito lang ako sa sulok, minamasdan ka, minamasdan kung paano mo hinahangaan ang osang tulad niya, na alam kong minsan di ko naman makakaya..
Loving can hurt sometimes, but for me loving can hurt always

0 comments:

Post a Comment