II. Hinahanap ko yung 'Ako' sa puso mo
hinahanap baka meron pa kahit kapiraso,
sandali lang, wag mo muna bitawan,
paulit ulit ko ipipilit, dyan ako
mag uumpisa ulit.
―S.N
I. Dahil ikinubli ko sa mga salita―S.N
at talata kahit masakit, pilit
iginuhit malimutan mo
lang mga huli kong sinambit.
Wala nga palang 'tayo', kaya
heto nasa pagitan ng mag
umpisa muli at bitaw na
sa dulo.
Tugma man aking mga sanaysay,
pandiwa at liriko, para saan pa
ang ritmo kung umaasa sa wala
ang puso?


