Sino ako?
Kilala ko ang sarili ko bilang isang super-hero na wala namang special powers, isang simpleng mamamayan ng bansang pilipinas. Isa akong super-hero sa sarili kong mundo, at wala kang paki kung pabebe ako. Gumawa ka rin ng sarili mong bidyo. (tttaaaammmmaaa nnaaaa yaaannn).
High school ako noon ng matutong magsulat dito sa blogosphere, marami na akong nagawang blogsite, inidolo ko rin noon si bob ong, dahil sa galing ng kanyang mga likha. Naging isa rin akong “unknown” blogger kung saan pinili kong hindi magpakilala;
Una, walang kwentang blog ko iyon, malayo sa mga kasabayan kong may katuturan at maka buluhan ang naisusulat, maging personal man o pangkalawakan.
Ikalawa, para iwasan ang kahihiyan nga sa mga naisulat kong walang kwenta, puro patungkol sa pag-ibig, broken-hearted.
Ikatlo, trip ko talaga sumulat ng kung ano-ano, mahilig akong magbasa minsan ng kahit anong libro, at parang gusto ko narin sumulat ng aking experience at gawing fictional story.
Ikaapat, naging dubsmash ang libangan ko bigla. Nawala ako sa blogosphere.
Ika-lima, kita mo na? Walang kwenta diba? Isa lamang akong super-hero na walang special powers. Oo pagbigyan niyo na ako. Super hero naman talaga tayong lahat in our own ways. Kanya kanyang trip yan.
Edit: May 17, 2020.
Wala lang gusto ko lang lagyan ng time stamp para lang masabi na nag update.