Saturday, March 21, 2015

Loner. Super loner

Wala na ba akong ginawang tama? Wala na ba talaga akong karapatang isigaw ang opinyon ko? Ako ba talaga yung mali? Ako lang ba talaga yung may pagkukulang? Kesa naman sa maki-halubilo ako sa mga tao, mas maganda na siguro na maging loner nalang talaga ako. Teka, loner naman talaga ako. Ipinamukha yan sakin ng isa kong kaibigan noon.

Lumaki naman akong walang inaagrabyadong kung sino, pero bakit ang laki ng problema sakin ng mundo? Andyan na yung mga taong ang tingin sayo "magulang" ka, palagay ko insecure sila sa kung anong meron ako. Ano nga ba? Baka naman naaapakan ko na yung pride nila, mga taong self-confident na nakatapos sila ng apat na taong kurso. Iba ang pinagmamalaki sa ipinagyayabang!

Hindi certification ang reyalidad ng buhay. Attitude, tamang etiketa at mahusay na pakikisama ang tunay na grado ng buhay.

Loner. Super loner ako. Kesa naman sumama.ako sa mga taong magagaling. Mga taong tinawag ng panahon para apakan ang makakasalamuha nila at mga taong walang ginawa kundi maging magulang. Sa totoo lang, sila yung mga taong SUPER LONER. Loner sila ng pride nila. Makasarili. Mga taong punyeta sa lipunan.

0 comments:

Post a Comment