• Home
  • About Me
  • Contact
    • Category
    • Category
    • Category
facebook twitter instagram pinterest bloglovin Email

I am Super Sam.

Life is hard, but it's harder if you are stupid.

    

    So, paano nga ba ulit ako magpaparamdam sa blog ko makalipas ang ilang buwan o taon na hindi pag update dito? Hirap no? Parang nagpaparamdam ka lang sa ex mo na iniwan mo years ago, tapos ikaw itong magri-reach out. Teka, true to life? Ito naman kasing Covid19 sumabay pa sa momentum ng pagpasok ng 2020 ko, natin. Di na maibabalik yung nawalang two months na yun, almost kalahati na ng taon ngayon.

    Sa loob ng two months na enhanced community quarantine mula nung March 17, 2020. Never ako lumabas ng bahay. Literal. Bakit? Mahina kasi ang immune system ko, mabilis ako magkasakit kahit magbago lang ang panahon. Mabilis din ako masaktan. Sa loob ng two months, kwarto, computer at cellphone (Mobile Legends. Di ako makaalis sa Legend, pabuhat lods?) lang umikot ang araw-araw ko at minsanang work from home. Parang isang malaking pagtatampo sa bigas ang nangyari, nawalan tayo ng regular na trabaho, umasa sa ayuda ng gobyerno. (ayoko magcomment masyado.) Sanay naman ako na magkulong sa kwarto, napakinabangan ko yung pagiging introvert ko. 

    Realizations? Maiksi ang isang taon, maiksi pala talaga ang life. Isang beses napatingin ako sa Photos ko sa phone, wala pala akong masyadong photos ng sarili ko. Nag stalk ako sa mga social media accounts ng mga kaibigan at ka-office ko na kasama nila ako sa picture o video. Nalungkot ako. Dahil sa mga photos na yun, dun ko na-appreciate na may kasama naman pala ako, may mga kaibigan pala ako paglabas ko ng bahay namin. Nakakalungkot in a sense na, photos or videos nalang yun. Memory. Yung lungkot na masaya? Weird.

    Isa din sa mga na-realized ko itong website ko.  Dito ko pala binabasura lahat ng emotions ko ilang taon na ang nakakalipas. Tapos babalikan ko bigla ng ganun ganun nalang. Siguro, may lugar talaga o tao na tinatakbuhan tayo kapag wala ka ng mapuntahan? Literal. Siguro ito yung pinakahuling lugar na iyon para sa akin. Lugar kung saan free-flow lang lahat ng gusto ko sabihin? Kung ano naiisip ko habang sinusulat ko ito.

    May mga maiiwanan talaga pala tayo, hindi pala talaga lahat pwede natin isama. May babalikan at handa ka ulit tanggapin kasi yun yung hindi mo narealized nung oras na mas busy ka para sa ibang mga bagay. Isa sa pinaka-magandang realization, babalik tayo kung saan pakiramdam natin unang natagpuan ang sarili.  

Ingat tayo at magkikita kita rin tayo sa mata.




Share
Tweet
Pin
Share
No comments




Thank you for picking me up every time I fall, 
every time I want to stop living my life, 
every time it seems to me that it is likely 
the end of  the road, every time I need 
someone to talk  to, someone who I can 
share my feelings—rants, anxieties and 
my inner demons that slowly and painfully
crippling inside of me every now and then.

Thank you for staying beside me and for 
reminding me to believe in love again, that love 
should feel more like a home—it's peaceful so that 
I can rest whenever I am losing hope and move 
forward from past heartaches.

Thank you for reminding me how wonderful life outside, 
how wonderful the night sky and watching the stars aligned.
How wonderful to have a special friend in this darkest hours
and in unlikely times of my life.

Thank you for always being there. 

—Sam
Share
Tweet
Pin
Share
No comments

Lagyan natin ng background music para intense: *Dating Tayo - TJ Monterde*
(Hanapin na sa spotify at iplay para dama mo, ano ako lang malungkot dito?)

Paalala ang mga susunod na eksena ay may kakaunting hugot, mga 30 feet lang ang lalim. Promise. Next time na natin laliman yung mga 1 meter nalang nasa inner core na ng planetang earth.

Tuloy tayo...

Patayin ang ilaw, buksan ang bluetooth speaker, i-play ang nasabing kanta, mahiga sa kama, kumalma ng mga sampung segundo, magnilay-nilay, magtika.

Umpisahan natin ng very light lang, yung mga san mig light lang ang labanan; yung tipong chill na kwentuhan lang walang samaan ng loob, walang ubusan ng pulutan.

Alam mo kasi sa totoo lang, mahirap talaga mag umpisa ng kwento. Kahit nga mag open-up sa mga kaibigan eh, takte yan mga walang pake. Sasabihin lang sayo "Move on na beshie". Naknampucha. Walang makakamove on! Damay damay tayo.

Pero sa kabilang banda, medyo sapat na rin yung pakanta kanta ka nalang. Browse browse sa instagram stories tapos bigla makakaisip ka ng quote tapos dali-dali mo gagawin kasi baka mawala nalang sa isip mo. Parang pag iwan nya sayo, kumurap ka lang nawala na ang lahat. Kumurap ka lang namulutan na pala ng iba. Dati agawan base lang ang nilalaro nyo, ngayon agawan pagmamahal na. Tamaan na. Lakompake.

So ayun na nga, damahin natin yung kanta ni TJ. Repeat once para maumay tayo tapos makalimutan na natin yung sakit. Isa yan sa mga teknik. I-repeat once, damahin, maumay at mag move on. Tapos.

Hirap kaya mag move on sa totoo lang, lalo na kung hopia ka parin. Lalo na kung feeling mo may chance pa naman. So ikaw, gagawa ka ng mga bagay na tingin mo ikakaganda ng image mo para sa kanya, katulad ng mga sumusunod;

    1 .Papa-pogi ka/Papa-ganda ka - Gym dito, gym doon. Bili ng damit pang porma tapos maliligo ka na araw-araw. (Minsan kasi baka kaya tayo iniiwan kasi twice a week lang tayo maligo)

    2. Post sa FB, IG, TWITTER ng mga magagandang updates ng buhay mo para makita nya (kung nagpa-follow pa kayo sa isa't-isa ha.) - Alam na natin lahat 'to wag na natin elaborate hahaba lang yung post.

    3. Magpapa-braces.

Basta ilan lang yan, marami pang examples na hindi ko na sinama. Kung meron pa, idagdag mo nalang sa listahan para more chances of winning.
Basta ako.
Bahala na.
HAHAHAHAHA
Patawa tawa nalang.
Matutulog na ako. Bahala ka sa buhay mo.
Share
Tweet
Pin
Share
No comments

At bigla ko nalang syang nakilala.
Sya. Sya na masiyahin, na punong-puno ng pangarap sa buhay, isang taong nakilala rin ako sa paulit ulit na oras na meron ako. Ako. Ako na emosyonal, na punong-puno ng pagdududa sa mundo. Pero hindi nya parin ako lubos na kilala. Dahil kahit ako mismo, hindi ko kilala kung sino ako. Kung nasaan na ba talaga ako.

At bigla ko nalang syang minahal.
Sya. Sya na nagbigay ng rason kung bakit ako gigising sa umaga ng may patutunguhan. Sya na nagbigay ng liwanag sa mundo kong kinain ng kadiliman. Bigla ko nalang minahal ang taong nakilala ko nalang bigla. Minahal ng walang rason. 

At dumating na ang takdang oras.
Ang oras na kinatatakutan ko. Oras. Oras. Oras na akala ko wala ng katapusan. Oras na akala ko sa akin lang iikot ang mundo. Pero dumating na ang takdang oras. Ang oras na susubok sa pagmamahal ko sa kanya. 

At ang OA nanaman ng post ko.
Shit. Ito ang napapala ng taong umuuwi ng maaga at magkukulong sa madilim na kwarto at tulala sa kawalan. Overthinking. Yung nagmamadali ka umuwi kasi gusto mo lang mahiga, ipikit yung mga mata mo at pakinggan ang katahimikan ng mundo. Pakiramdaman maigi ang bulong ng katahimikan. Nakakapagod. Nakakapagod din pala talaga mag overthink. Nakaka-drained ng energy. Nakaka-stress. At nakakagutom, gusto ko kumain ng Tomi, at ngumuya ng Jellybeans. Dahil sa mga pagkain na to pakiramdam ko isa lang akong bata. Walang problema, walang kailangan isipin kundi kumain.

Di bale. Ako naman to. Ang dami ko pang gusto isulat, ang dami ko pa gustong sunugin na oras hanggang makatulog ako. Hanggang mawala nalang lahat ng iniisip ko, ang pagdududa sa mundo.

At higit sa lahat balik sa paulit ulit na oras na meron ako.




Share
Tweet
Pin
Share
2 comments

09:17 PM


So, ito na nga. Nagbabalik nanaman ako sa blog ko na ito. Medyo natagalan nanaman ako matagal man, babalik at babalik parin.

Kakaiba ang pasok ng 2017 sa akin, maliban sa habang tumatagal pa-gwapo parin ako ng pa-gwapo patuloy parin ang pagragasa ng panahon. Oh?! PAGRAGASA. Naku naku naku naku!


Dahil next month umpisa nanaman ng BER months, wala lang. Trip ko lang maging second paragraph. Para lang humaba yung sinusulat ko, para lang kunware magaling magsulat. Ganern. Well, (pucha well?) nawiwili ako sa kakasabi ng "Well", not feeling well? Well of fortune? Kuya well? Bigyan ng jacket. Korni.


Namiss ko to. Namiss ko magsulat ng magsulat, mag research sa mga ugali ng tao. Sa mundo at sa paligid ko. Kung meron man siguro na isang bagay ang di ko pagsasawaan balikan, ito yun. Pagsusulat. Kahit non sense, kahit walang readers, kahit walang comments. Masaya ako. Promise.


Most of the time tahimik lang ako sa personal, nag oobserve. nag mi-measure ng body language (feeling expert) pero ganun eh, minsan makita ko palang yung slight changes sa kilos ng isang tao, alam ko kung may tinatago, kung galit, kung masaya, kung inlove. Siguro ito ang hidden talent ko. Ang magbasa, magbasa ng tao at kwento ng mga tao sa libro.


Kapag nagsusulat ako para akong nagkukwento sa isang tao na di ko kilala. Sa isang tao na nakikinig lang sa lahat ng sasabihin ko, sa lahat at dami ng mga gusto kong sabihin. Ang saya lang. Kausap ko yung sarili ko.


Eh biglang tumunog yung favorite song ko, Wonderwall - Oasis. Nakakapraning. Shuffle play na nga sa Spotify playlist ko eh. Napaka meaningful sakin ng kanta na yan. Di ko alam, nakakatae sya kapag pinapakinggan ko. "I don't believe that anybody feels the way I do about you now". Ewan ko kung saan patungo tong post ko, walang patutunguhan eh. Pero sigurado akong may pinanggagalingan.



"Your'e gonna be the one that saves me"


Sige pa!!! Lyrics pa more. Minsan panira ng mood din pala tong laman talaga ng playlist ko eh. Hhhaaayyy salamat natapos din yung song.




Mabalik tayo sa pagbabalik ko, ayun masaya naman ako sa mga oras na ito, tahimik. Maliban sa mahinang ingay ng tahol ng mga aso sa di kalayuan, sa liwanag ng maliit na ilaw na gamit ko pag gabi dahil ayokong bukas ang ilaw kapag andito ako sa kwarto, at sa patuloy na pagtugtog ng mga songs sa cellphone ko. Masaya naman ako. Kahit korni korni na.


Sarap ng may kausap. Sarap ng kausap ang sarili mo. Sarap mag-isip ng wala lang. Ganun talaga. Ganun nga talaga. Marami naman akong kwento, kailangan ko lang sya ipagkalat dito sa post ko, kailangan ko sya ipamahagi at ibalita sa mga reader na magtatyaga magbasa.


Pero gusto ko muna magpasalamat sa mga kasama ko sa araw araw at sa tao na di sinasadya na maremind ako na may blog nga pala ako kapag walang wala na akong makausap. Eto yung literal na "Hanap ka ng kausap mo." Or "Wag ka nga, hanap ka kausap."


Eto na eto na, kausap ko na yung higher-self ko. Kausap ko na yung kaibuturan ng konsensya ko. Mari-reach ko rin yung state na magsasalita nalang ako bigla ng latin at magmumura sa wika na di ko naman alam. Ano to?! Witchcraft? Harry potter? Ang saya. Gusto ko ng ganon, yung may magic wand at sa isang iglap nalang "Voila!" Nangyari na ang magic. Wala na ang lahat.


10:00pm itutulog ko nalang to.





Share
Tweet
Pin
Share
1 comments

Tag-araw. Mainit. Tanghaling tirik ang araw. Walang pasok sa eskwela. Normal na araw para sa akin ito, pero senyales ang init ng panahon na ito para sa isang siyam o sampung taong gulang na sarili ko nanalalapit na pagbakasyon sa Batangas--swimming, outing, ano pa bang pwedeng itawag?

Normal na buhay, tipikal na araw na alam kong tuwing taon nauulit ang eksenang ito, at mauulit uli sa susunod na taon. Lagi naman kami sa Batangas kung saan empleyado ang tatay ko, at kapatid ng tito ko ang may ari ng resort. Libre? Hindi ko alam, wala akong alam sa mga bagay na yon ng panahon na yon. Ang alam ko lang magsasaya kami, swimming dito swimming doon.

Tipikal na panahon ng tag init, panahon kung saan hindi ako pwedeng walang salbabida, takot ako sa malalim na parte ng tubig, hindi ako marunong lumangoy, at takot ako sa katotohanan na hindi ko alam ang nangyayari sa ilalim na parte ng katawan ko sa tubig. Mas pinipili kong lumangoy malapit sa dalampasigan.

Sa mga oras na ito, maraming tao. Maingay. May naglalaro ng volleyball ilang metro ang layo mula sa kinaroroonan ko, mahilig akong pagmasdan ang daloy ng tubig, tulad ng hilig ko sa pagmamasid sa daloy ng mga tao. Nasa tubig man o nasa dalampasigan.

Nagulat ako ng may isang babae ang lumutang mula sa ilalim ng tubig malapit sa akin, tawa ng tawa. Siguro ay mga sampo hanggang labing-isa ang edad. Kaedaran ko ng panahong iyon. Sumunod ay isang lalaki mga siyam hanggang sampong taong gulang sa tingin ko. Tawa ng tawa at parehas silang nakaharap sa akin habang nakaupo ako sa salbabida ko.

Nakakaloko ang mga ito, hindi ko alam kung bakit sila tumatawa. Pero sa tingin ko may "kaya" ang mga to, base sa kutis ng balat at sa kung paano nila ako pagtawanan.

"Seryoso to." Sabi ng babae. "Baka di magpahiram yan." sabi naman ng lalaki.

"Bakit?" tanong ko. "Di ka marunong lumangoy?" sabi ng lalaki.
"Marunong pero pasisid lang, tsaka wala akong goggles." sabi ko.

"Tara, sama ka sa amin, sisid sisid tayo sa ilalim." pag aaya ng babae.

"Hiramin ko muna salbabida mo, tapos sama ka sa kapatid ko, eto goggles, maganda naman sa ilalim ng tubig may mga nakita kaming blue na isda." inabot ng babae ang goggles nya.

"sige." sabi ko naman.

Sumisid ako kasama ang kapatid niyang lalaki, hindi naman sa kalaliman pero may mga asul nga na isda. Nakakamangha. Sumenyas sa ilalim ang lalaki na hulihin namin, pero hinayaan ko syang gawin yon. Namamangha ako sa asul na isda, sa mga lamang dagat na parang busy sa paglangoy kung saan saan.

Napansin kong nakakatawa lumangoy ang lalaki, parang palaka. Eksaherado, nagpapatawa sa ilalim ng tubig dahilan para umahon ako ng kinakapos ng hininga, nakakatawa.

"HAHAHAHA" hingal na pagtawa ko. Kasunod ng pag ahon ng lalaki. Natatawa din ang kapatid nyang babae.

"Lagi kayo napunta dito?" tanong ko sa kanila.

"Ngayon lang, sinubukan lang namin sa resort na to."

Dahil bata at puro paglalaro ang isip, walang pormal na pagkakakilanlan. Ang alam ko, naging masaya ko kasama ang dalawang magkapatid, parehas silang nakakatawa hindi ko akalain na makakatagpo ako ng kalaro mula sa ilalim ng tubig--tubig na takot akong lumangoy, sumisid.

Hanggang isang ginang ang tumawag sa magkapatid, pinagbabanlaw sila, malapit na silang umuwi ayon sa pagkakarinig ko.

"Sige, dito na kami." nakangiti na sabi ng magkapatid.
"magkikita pa naman siguro tayo" sabi ng babae.

"tuwing summer andito kami, sana bumalik kayo dito." sabi ko.

Hapon. Nagbanlaw na ako, nakakatuwa na may mga taong walang ginawa kundi tumawa, sa maliliit na bagay. Mga bagay na akala ko nakakatakot, tulad ng kalaliman ng dagat. Takot ako, takot akong mapunta sa malalim.

Bumalik ako sa dalampasigan, kulay kahel (orange) na ang araw, palubog at ang ganda pagmasdan. Nang may tumawag sakin.

"Hoy! Andyan ka pala!!" sigaw ng lalaki papalapit sila sakin magkapatid. Nakikita ko sa suot nila na may "kaya" nga sila, malinis sila tignan sa suot nila. Pero di mawawala sa mukha nila ang mga nakakaloko nilang ngiti.

Kumuha ng maliit na bato ang lalaki at hinagis sa tubig dagat.
"Pauwi na kami eh, sayang di na tayo makakapaglaro" sabi ng babae.

"Ok lang yan, babalik pa naman ata kayo dito next year." sabi ko.

"Di namin sigurado." sabi ng lalaki.

Isang tinig ng ginang muli ang tumawag "Tara na aalis na tayo!"
Sigaw nya sa di kalayuan.

"Uy, salamat ah." sabi ng babae.
"baka di na tayo magkita, sayang." sabi ng lalaki. "Uwi na kami ha. Bye." ika naman ng babae.

"Ingat kayo! Sana balik kayo next year dito." sabi ko.

Umalis sila, nakangiti parin, parang di uso sa mukha nila ang ekspresyon na simangot.

Malapit na magdilim, dapit-hapon. Malamig na simoy ng hangin mula sa dagat, wala akong naririnig na hampas ng alon, tila kalmado din ang dagat, tulad ng nadarama ko, mula ng makilala ko ang magkapatid na iyon, sa liit ng panahon at oras na nakasama ko sila nakakalungkot na mula sa lugar na ito, nakakilala ako ng mga munting kaibigan, kaibigan na walang pormal na pagkakakilanlan, kaibigan mula sa ilalim ng dagat. Pinagtawanan ako dahil seryoso ako sa pagmamasid ng mga tao sa paligid.

Kaibigan na walang pangako. Kaibigan na totoo ng ilang oras ng buhay ko sa lugar na ito. Mga kaibigan na akala ko makikita ko parin sa mga susunod na taon. Pero hanggang doon lamang ata talaga ang mga kabigan na nakilala ko sa lugar na ito. Magiging alala hanggang sa buhay ko sa kasalukuyan. Kaibigan na naging totoo.

Matagal na panahon narin akong hindi nakabalik sa lugar na yon, unti unti kada taon nalimutan namin ang pagbisita sa lugar, na parang di namin napuntahan. Naging isang alaala, tulad ng mga kaibigan na nakilala ko doon. Ala-ala na lamang sila ng dagat kung saan ko sila nakilala.

Ang kaibigan, hindi nasusukat sa haba ng panahon o ng oras mo sila nakilala. Ang kaibigan nasusukat kung gaano mo sila nakasama ng masaya o ng malungkot. Ang kaibigan nasusukat kung gaano nila ipinakita ang totoo nilang pagkatao ng ilang oras, walang pagkakakilanlan. Pero sa puso at ala-ala minsan may kaibigan kang naging totoo. Totoong-totoo. Hindi kailangan ng mahabang oras. Kasing lalim ng dagat na pinagsamahan, at iisang bagay na ikina-sasayang gawin. Doon nasusukat ang isang totoong kaibigan at hindi basta basta makakalimutan.


Share
Tweet
Pin
Share
4 comments
Older Posts

Categories

photos poetry Quote Video written feelings

recent posts

Blog Archive

  • May 2020 (1)
  • May 2019 (1)
  • May 2018 (3)
  • August 2017 (2)
  • May 2017 (1)
  • July 2016 (4)
  • November 2015 (9)
  • October 2015 (1)
  • May 2015 (4)
  • March 2015 (1)
  • November 2014 (1)
  • July 2013 (7)
  • October 2012 (1)
  • September 2012 (4)
  • June 2011 (1)
  • May 2011 (2)

Sponsor

Created with by ThemeXpose