I'm back.

by - 8/03/2017 10:07:00 PM

09:17 PM


So, ito na nga. Nagbabalik nanaman ako sa blog ko na ito. Medyo natagalan nanaman ako matagal man, babalik at babalik parin.

Kakaiba ang pasok ng 2017 sa akin, maliban sa habang tumatagal pa-gwapo parin ako ng pa-gwapo patuloy parin ang pagragasa ng panahon. Oh?! PAGRAGASA. Naku naku naku naku!


Dahil next month umpisa nanaman ng BER months, wala lang. Trip ko lang maging second paragraph. Para lang humaba yung sinusulat ko, para lang kunware magaling magsulat. Ganern. Well, (pucha well?) nawiwili ako sa kakasabi ng "Well", not feeling well? Well of fortune? Kuya well? Bigyan ng jacket. Korni.


Namiss ko to. Namiss ko magsulat ng magsulat, mag research sa mga ugali ng tao. Sa mundo at sa paligid ko. Kung meron man siguro na isang bagay ang di ko pagsasawaan balikan, ito yun. Pagsusulat. Kahit non sense, kahit walang readers, kahit walang comments. Masaya ako. Promise.


Most of the time tahimik lang ako sa personal, nag oobserve. nag mi-measure ng body language (feeling expert) pero ganun eh, minsan makita ko palang yung slight changes sa kilos ng isang tao, alam ko kung may tinatago, kung galit, kung masaya, kung inlove. Siguro ito ang hidden talent ko. Ang magbasa, magbasa ng tao at kwento ng mga tao sa libro.


Kapag nagsusulat ako para akong nagkukwento sa isang tao na di ko kilala. Sa isang tao na nakikinig lang sa lahat ng sasabihin ko, sa lahat at dami ng mga gusto kong sabihin. Ang saya lang. Kausap ko yung sarili ko.


Eh biglang tumunog yung favorite song ko, Wonderwall - Oasis. Nakakapraning. Shuffle play na nga sa Spotify playlist ko eh. Napaka meaningful sakin ng kanta na yan. Di ko alam, nakakatae sya kapag pinapakinggan ko. "I don't believe that anybody feels the way I do about you now". Ewan ko kung saan patungo tong post ko, walang patutunguhan eh. Pero sigurado akong may pinanggagalingan.



"Your'e gonna be the one that saves me"


Sige pa!!! Lyrics pa more. Minsan panira ng mood din pala tong laman talaga ng playlist ko eh. Hhhaaayyy salamat natapos din yung song.




Mabalik tayo sa pagbabalik ko, ayun masaya naman ako sa mga oras na ito, tahimik. Maliban sa mahinang ingay ng tahol ng mga aso sa di kalayuan, sa liwanag ng maliit na ilaw na gamit ko pag gabi dahil ayokong bukas ang ilaw kapag andito ako sa kwarto, at sa patuloy na pagtugtog ng mga songs sa cellphone ko. Masaya naman ako. Kahit korni korni na.


Sarap ng may kausap. Sarap ng kausap ang sarili mo. Sarap mag-isip ng wala lang. Ganun talaga. Ganun nga talaga. Marami naman akong kwento, kailangan ko lang sya ipagkalat dito sa post ko, kailangan ko sya ipamahagi at ibalita sa mga reader na magtatyaga magbasa.


Pero gusto ko muna magpasalamat sa mga kasama ko sa araw araw at sa tao na di sinasadya na maremind ako na may blog nga pala ako kapag walang wala na akong makausap. Eto yung literal na "Hanap ka ng kausap mo." Or "Wag ka nga, hanap ka kausap."


Eto na eto na, kausap ko na yung higher-self ko. Kausap ko na yung kaibuturan ng konsensya ko. Mari-reach ko rin yung state na magsasalita nalang ako bigla ng latin at magmumura sa wika na di ko naman alam. Ano to?! Witchcraft? Harry potter? Ang saya. Gusto ko ng ganon, yung may magic wand at sa isang iglap nalang "Voila!" Nangyari na ang magic. Wala na ang lahat.


10:00pm itutulog ko nalang to.





You May Also Like

1 comments

  1. Good night! Hahahaha.
    Sulat lang nang sulat. Para sa sarili. Para sa sanity. Para sa memory :P

    ReplyDelete