Oras Oras

by - 8/07/2017 09:03:00 PM


At bigla ko nalang syang nakilala.
Sya. Sya na masiyahin, na punong-puno ng pangarap sa buhay, isang taong nakilala rin ako sa paulit ulit na oras na meron ako. Ako. Ako na emosyonal, na punong-puno ng pagdududa sa mundo. Pero hindi nya parin ako lubos na kilala. Dahil kahit ako mismo, hindi ko kilala kung sino ako. Kung nasaan na ba talaga ako.

At bigla ko nalang syang minahal.
Sya. Sya na nagbigay ng rason kung bakit ako gigising sa umaga ng may patutunguhan. Sya na nagbigay ng liwanag sa mundo kong kinain ng kadiliman. Bigla ko nalang minahal ang taong nakilala ko nalang bigla. Minahal ng walang rason. 

At dumating na ang takdang oras.
Ang oras na kinatatakutan ko. Oras. Oras. Oras na akala ko wala ng katapusan. Oras na akala ko sa akin lang iikot ang mundo. Pero dumating na ang takdang oras. Ang oras na susubok sa pagmamahal ko sa kanya. 

At ang OA nanaman ng post ko.
Shit. Ito ang napapala ng taong umuuwi ng maaga at magkukulong sa madilim na kwarto at tulala sa kawalan. Overthinking. Yung nagmamadali ka umuwi kasi gusto mo lang mahiga, ipikit yung mga mata mo at pakinggan ang katahimikan ng mundo. Pakiramdaman maigi ang bulong ng katahimikan. Nakakapagod. Nakakapagod din pala talaga mag overthink. Nakaka-drained ng energy. Nakaka-stress. At nakakagutom, gusto ko kumain ng Tomi, at ngumuya ng Jellybeans. Dahil sa mga pagkain na to pakiramdam ko isa lang akong bata. Walang problema, walang kailangan isipin kundi kumain.

Di bale. Ako naman to. Ang dami ko pang gusto isulat, ang dami ko pa gustong sunugin na oras hanggang makatulog ako. Hanggang mawala nalang lahat ng iniisip ko, ang pagdududa sa mundo.

At higit sa lahat balik sa paulit ulit na oras na meron ako.




You May Also Like

2 comments

  1. good luck sa pagmamahalan niyo....kung dumating man punto di magkaunawaan minsan, magpasensyahan lang..

    ReplyDelete
  2. Note: Hindi na maibabalik ang oras na nawala. Kaya, seize the day and love like there is no tomorrow!

    ReplyDelete