Minsan di natin namamalayan na lubos na pala tayong nasasaktan ng taong lihim na minahamal. Huwag kang tanga, wala pang naiibentong gamot sa tanga. Bakit di mo nalang sabihin ng harapan kaysa itago at masaktan ka lang? Ang Pag-ibig ay parang isang roller coaster, hihigpitan mo ang kapit kahit na alam mong nahihirapan ka nang huminga. Minsan ka na nga lang magmahal ng tapat ikaw pa ang malulugi sa timbangan. Matuto kang maawa sa sarili mo, hindi yung literal na nasasaktan ka na, pero humahabol ka pa.
Magkaiba ang nagpaubaya sa pinakawalan, parang kandila at posporo yan, sinisindihan at unti unting mauubos. Ang posporo bago pa man maubos sa daliri mo at mapaso ka, pinatay mo na. Saan ba hahantong ang pagpapaubaya mo kung unti unti ka namang pinapatay nito? Mamimili ka lang naman eh, sa kandilang minuto ang bibilangan bago ka pa mapaso o sa posporo na segundo lang eh paso ka na?
Bakit kasi nauso ang mga terminong "di ako mabubuhay kung mawawala ka." Pakiusap, hindi nya literal na dala ang puso mo, mararamdaman mong sawi ka lang kung wala ka nang nararamdaman. Minsan kasi hindi ka lang marunong mag appreciate, kaya akala mo sa kanya lang umiikot ang mundo mo. Matuto ka kasing makiramdam sa paligid mo, malay mo may malay din sila sayo?
Buti pa ang mga bata, alam nila kung gusto nila ang isang bagay. Di tulad ng matatanda, ang daming paliguy-ligoy, iisa lang din naman ang desisyon sa huli. Mahirap naman talaga ikumpara noong bata pa tayo, walang inisip kundi maglaro at asarin ang kapitbahay mo at magtago sa likod ng pinto kapag hinabol ka. Ngayon, kailangan nating harapin ang sakit, kahit nakasalalay pa minsan ang isang toneladang pag-ibig na handang sumabog mula sa puso mo papunta sa mundo.
Ang Mundo nga daw ay isang malaking quiapo, maraming snatcher. maaagawan ka. lumaban ka.