The Conjuring 2
Di ko masasabing isa itong movie review, pero sa totoo lang di ako masyadong natatakot sa mga Horror Movies--alam ko kasi na movie lang naman eh.
So ayun na nga, napagkasunduan namin magka-officemates na panoorin ang "The Conjuring 2" kahit deep inside eh sobrang baduy sakin ang fact na manonood ako nito sa sine. (Nanonood ako ng Horror Movie ng mag isa lang ako sa kwarto, like nung unang part ng Conjuring, and after ko mapanood, I was like :| *yun na yun?)
Di ko naman ilalahad dito ang istorya mismo ng movie na 'to para naman sa mga di pa nakakapanood. Mas natakot pa ko sa mga taong naguusap sa likod ko, mga babaeng ang lalakas tumili, mga LALAKING napapatili dahil sa effects at gulat factor ng movie.
Gusto ko naman yung movie, pero I want more, yung matatakot talaga ko, mapaparanoid. So nag research ako about sa story ng movie, based daw ito sa true story ng Enfield Case. Re-search pa ko para maunawaan ko pa hanggang sa matagpuan ko ang isang libro na isinulat ni Gerard Brittle: The Demonologist--The extraordinary career of Ed and Lorraine Warren.
Natakot ako sa libro. Mas natakot ako kesa sa movie, mas well-explained kasi talaga kapag sa libro. Dahil sa libro na 'to natuto akong matulog mag isa sa kwarto ng bukas ang lahat ng ilaw. Naparanoid ako na baka atakihin ako ng isang demonic spirit.
Hanggang ngayon, sa oras na isinusulat ko ito bukas ang ilaw ko sa kwarto, di na ko nakakatulog ng patay lahat ng ilaw, nagkakaroon narin ako ng mga bad dreams. Gusto kong silaban yung ebook reader ko dahil pakiramdam ko digitally downloaded din yung mga demonic spirit.
Pero, may hangganan ang lahat. Bukas man ang ilaw ko, wala na ang takot ko, nakaka bored yung last 5 chapter ng libro, nagkaroon ako ng realization. Para akong bata na kinukwentuhan nalang ng isang matanda tungkol sa isang alamat.
Abangan ko nalang kung magkakaroon ng Conjuring 3 sana mas matakot talaga ako sa movie.
2 comments
Boom! You dont need to find demons where else, we all have our own demons inside.
ReplyDeleteThat book seem interesting :) tapusin ko lang muna ang Me Before You. Haha.
Welcome back Mr.! It's been awhile.
Hi Yccos, hehehe interesting nga yung book. Ewan ko lang ha, siguro di ko lang talaga na absorb yung last 5 chapters. Hehehe
ReplyDeleteYes, I'm back. Naalala ko may blog pa nga pala ako. Thank you for dropping by! :)