Today is my day

by - 7/10/2016 02:55:00 PM

July 10 2016: So, birthday ko nanaman pala. Pero honestly, 2 days before my birthday limot ko na malapit na pala! I usually don't celebrate my birthday talaga mula nung tumungtong ako ng 18years old. Nababaduyan ako. Ewan ko. Hehehe

Pag gising ko kaninang umaga, business as usual. Sunday. Gusto ko lang mahiga at magbasa habang nagkakape, malamig kasi ang panahon at nakakatamad kumilos. Ako lang ba or ganun din ang iba, normal day lang pag birthday diba? Hehehe

Gusto ko rin mag thank you sa mga taong nakaalala salamat sa notification ng facebook at nakita ko kung sino na ba yung mga bumati. Maraming salamat sa lahat. Thank you lalong lalo na kay God kasi tumagal ako ng mahigit dalawang dekada sa mundo, healthy at kasalukuyang may trabaho.

Salamat sa mga officemates ko na naging tropa ko narin, pare-parehas kami ng wave length kaya nagkakasundo kami. Naging magbabarkada. Mga tropang Foodtrip, Tropang lakwatsa, at The Drunkards.

Wish ko: Sana magkaroon na ng world peace. Sana wala ng batang magugutom, sana happy lang lahat. At sana matupad ang wish ko na ito. Hahahaha

Serious note: Serious. Sana marami pa talagang birthdays na dumating sakin, mga kaibigan na handa akong intindihin kahit di naman nila sabihin minsan alam kong nababadtrip din sila sakin. Hehehe thankful ako sa mga taong nagtyaga, kinilala at di umalis sa tabi ko. Salamat din sa mga taong nagpapainit ng ulo ko, sa trabaho man o personal na aspeto ng buhay ko, natutunan kong kontrolin ang temper ko dahil sainyo. Natutunan kong umiwas at wag silang patulan dahil uubusin lang nila ang enerhiya ko.

Salamat kay Mama at kay Papa, kahit minsan madaling araw na ko nakakauwi. Promise, magtetext ako para di kayo mag antay. Salamat sa mga kapatid ko kasi andyan sila sa tabi ko kahit na wala akong masyadong sinasabing personal problems ko, salamat.

After 5 years: Kasalukuyan akong nag iipon, nag aaral ng mga investments, naadik akong magbasa ng mga patungkol sa financial freedom. Siguro isa sa mga gusto kong mangyari sakin after 5 years ay magkaroon ako ng sariling business. Magkaroon ng sariling oras para sa pamilya, (bawasan ang internet time) ang hirap. Hehehe after 5 years magbibirthday ulit ako at may achievements na ko. Personal.

Sa ngayon, hanggang dito nalang muna ang post ko. Kailangan kong maglinis ng kwarto dahil linggo ngayon at di excuse na birthday ko ngayon. :)

You May Also Like

1 comments

  1. Happy Birthday Mr. Super Sam! Hope you have a great time cleaning your room! :D :D

    ReplyDelete