Misteryo ba talaga para sa ilan ang buhay? Marami na akong nakasama sa aking buhay, -- kaibigan, katrabaho, mga taong nakakasalubong sa daan, lahat sila nakasama ko? Ibig kong sabihin eh, may "parte" sila sa buhay ko, masarap din kasi mag people watching sa mga malls, sa mga lansangan, at minsan gusto ko sila kuhaan ng photo gamit ang nagluluma kong cellphone. Indikasyon kaya ito na mahilig ako sa mga larawan ng mga tao? Larawan na nagpapakita ng mga expressive emotions, -eto kasi yung mga photo shots na kung saan super malakas magbigay ng meaning, maaring hindi para sayo, pero para sa akin. Gaano kaya ka-misteryoso ang buhay ng isang tao sa mundo? Nasusukat ba ito kung siya ay maraming pera? o di naman kaya mahirap lang siya pero naroroon at nakikipaghumapayan sa saya? May mga larawan akong nakikita sa isip ko na hindi ko kayang kuhaan sa tunay na buhay, magulo eh. Parang ang dami kong dapat mapakitang larawan...
Naalala ko yung mga edited photos ko, sa lahat eto talaga yung pinaka gusto ko, dahil sobrang baliw ako sa online games kaya naisipan ko mag edit at gumawa ng tila spoof ng Imortal sa ABS CBN. Nakakatuwa kasing isipin na yung online game na nilalaro ko eh, magagwan ko pa ng ganito.... Sino ba kasing di mababaliw sa RAN Online? :) masaya mag edit ng photos kapag nasa "mood" ka. Yung madami kang ideas na gustong gusto mo ma portray nung photo.