Misteryo: Buhay

by - 5/23/2011 09:05:00 PM

Misteryo ba talaga para sa ilan ang buhay? Marami na akong nakasama sa aking buhay, -- kaibigan, katrabaho, mga taong nakakasalubong sa daan, lahat sila nakasama ko? Ibig kong sabihin eh, may "parte" sila sa buhay ko, masarap din kasi mag people watching sa mga malls, sa mga lansangan, at minsan gusto ko sila kuhaan ng photo gamit ang nagluluma kong cellphone. Indikasyon kaya ito na mahilig ako sa mga larawan ng mga tao? Larawan na nagpapakita ng mga expressive emotions, -eto kasi yung mga photo shots na kung saan super malakas magbigay ng meaning, maaring hindi para sayo, pero para sa akin. Gaano kaya ka-misteryoso ang buhay ng isang tao sa mundo? Nasusukat ba ito kung siya ay maraming pera? o di naman kaya mahirap lang siya pero naroroon at nakikipaghumapayan sa saya? May mga larawan akong nakikita sa isip ko na hindi ko kayang kuhaan sa tunay na buhay, magulo eh. Parang ang dami kong dapat mapakitang larawan...





Misteryo nga ba talaga ang buhay? o tayo ang gumagawa kung paano natin ikukubli ang nararamdaman?--nasasaktan, nagmamahal, napupuot o di naman nasisiyahan? Kahit ikaw, maguguluhan diba? pero masarap isipin na bukas pagmuklat ng mga mata mo, nakita mo yung panibagong mundong sumasaklob sayo, maging napakadilim man ng gabing nilakbay mo, natin. Sa totoo lang, tayo naman ang gumagawa ng sariling istorya ng buhay, maging sino pa man tayo sa mundong kinatatayuan natin, iisa lang ang alam kong pwedeng makapag sabing Misteryo ang buhay mo, --mali! Hindi ako na si super sam, pero ikaw... Malamang misteryo ang buhay para sa akin. Eh sayo? anong nakikita mo?

You May Also Like

2 comments

  1. pagmasdam ang mga tao sa malls -- GAWAIN KO RIN 'TO hahaha :DD
    kaso minsan nakakahiya T________T
    lalo na pag mataray yun natitingnan ko.

    gusto ko lang naman magmasidmasid ihh.

    ReplyDelete
  2. @kryk, minsan kasi diba "misteryo" ang buhay, kaya mapapatingin ka sa mga taong naglalakad lakad sa malls...

    Salamat sa pagbisita! :)

    ReplyDelete