Dapit-Hapon

by - 6/06/2011 10:26:00 PM

Dapit-Hapon





     Hunyo nanaman pala, katatapos lang ng mayo, ang bilis ng pag lubog ng araw. Baka naman bigla ko nalang mamalayan, mag-aasawa na pala ako. Malay natin bukas? Sa bawat pag-alis ng araw sa buhay, alam natin may bukas na mas maganda.. Pero hindi naman lahat nang pag lubog ng araw eh nagpapakita para sa atin ng kagandahan, minsan ayaw natin makita ang eksenang ito. Parang natatakot sa pagdating ng bukas, sa bagong hamon?  Basta ako, nakikita ko to? Mahirap, hindi ako handa para bukas o sa mga susunod na dapit-hapon ng buhay ko. Di ko alam, marahil isa lang ako sa mga tinatawag na taong maramdamin. --Anong masama? marunong din akong mahirapan, masaktan, at magmahal.
    
     Sana sa bawat pag gising natin, palagi nalang maliwanag, nakakasilaw. Di tulad pagsapit ng Dapit-Hapon -- tahimik, taimtim, nakaka-bagabag ng natutulog na damdamin. 





You May Also Like

3 comments