Pukaw

by - 10/28/2015 12:12:00 PM

"Mula sa mahabang pagkakahimbing, ako'y nagising ng 
hangin mula sa bintanang liwanag ng buwan nagnining-ning.
Tahimik at taimtim sa pusod ng gabi ako ay nag kukubli, 
malamig at madilim akala ko'y ika'y nasa aking tabi.

Awitin ay tila awit ng puso ko, anlintana ko na ramdam mo 
ito. Panahong akala ko malabo, panahon din maari ng 
pagbangon ng puso.

Isa kang anghel na nasa lupa, noon pa ma'y di ka nakikita, 
puso ko'y babangon, puso ko'y muling bubukas, puso ko'y 
muling aahon, puso ko'y di na aatras, puso ko'y ikaw lang ang 
tila binibigkas. 

Sino ka bang anghel na minsan ko lang nakita? Bakit ka sa 
isip ko'y di nawawala? Isa kang mahika mula sa aking 
pagkakahimbing, pinukaw mo muli ang natutulog kong 
damdamin.

Pangako noon na pusong ito'y magwawakas, muli mo itong 
binigyan ng lakas, isa kang tunay na anghel, ikalawang 
prinsesa para sa aking mga mata, takot ng damdamin, mula sa 
nakaraan tila ay bumangon din.

Tatapusin ang gabi, luha ay papatak muli saking mga labi, 
ikaw marahil ang sandali."

You May Also Like

0 comments