Undas nanaman?

by - 11/01/2015 02:32:00 PM



Undas nanaman, pansin ko lang every year tuwing undas ganito lagi ang panahon; makulimlim, tahimik, malamig at maraming nakakatakot na palabas sa TV. Pero bakit di ako natatakot? (takot lang naman akong umibig muli) hugot pa more.

Sa mga ganitong panahon marami akong napagmumuni-munihan, mga bagay na senyales nanaman nang nalalapit na pagtatapos ng taon. Isang buwan nalang eh pasko nanaman. Naka moved-on na sya, ako hindi pa. (moved-on na men!) araw ng mga patay, isama mo na rin diyan ang puso kong patay na patay sayo! Kung ayaw mo ako nalang ang dadalaw.

Balik tayo sa usapan, saan ka ngayong undas? Ako di nakadalaw sa tito ko, sa lolo ko at namimiss kong lola ko na tumira ng mahigit isang taon dito sa amin. Mamaya magtitirik kami ng kandila, ipagdadasal ang mga mahal sa buhay na yumao, ipagtirik ko narin kaya ng kandila ang puso ko? :)

Naalala ko nung bata pa kami, mahilig kami gumawa ng mga nakakatakot na bagay, gagawa kami ng manikin na white lady at itatayo sa terrace ng bahay ng tita ko, yung mga nakakakita naman takot din. Nakakatawa pala masdan yung mga taong takot sa ganun? Di dahil masama ako para pagtawanan sila, nakakatawa in a sense na marami talagang takot sa maligno, multo at iba pa.

Dahil natural sa tao yung matakot sa mga bagay na di nila alam, mga bagay na wala agad scientific explantions. Ako man, naniniwala sa mga multo. Nakakita na ko ng maraming beses, nakarinig at nakaramdam. Hindi ko malilimutan yung panahon na buong pamilya kami mismo nakaramdam at nakarinig. Nakakatakot. Natakot ako kasi aware sila sa nararamdaman o naririnig ko, di pala gawa yun ng malikot na imahinasyon na meron ako.

Malamang, syempre marami sainyo ang di naniniwala, siguro dahil walang personal experience sa paranormal. Pero totoo man sila o hindi, lagi nalang natin tandaan na ang araw na ito ay para gunitain sila, ipagdasal at para makita na nila ang liwanag na hinahanap nila.


Update: 6:14 PM

Lumipas nanaman ang araw na ito na nakababad ako sa internet, isa na nga talaga akong tunay na adik dito. Pero inayos, binuhay at pinasimple ko lang naman kasi muli ang aking blogsite, binago ko kahit ang hirap hirap para sa pagbabago. Kahit ang hirap mag move-on. Hehehe

Pero ito ako muling nagsusulat nanaman, di pa nga ako naliligo, tulo sipon ko dahil tinamaan nanaman ako ng sakit kahit na araw araw naman ako nainom ng Vitamin C. Pati sipon, ayaw akong lubayan, di rin maka move-on sakin.

Bakit ba ko muling nagsusulat?

Masarap kasi sa pakiramdam yung naisusulat mo ang mga gusto mong sabihin, kahit walang patutunguhan yung post, kahit alam mong maaaring wala ng nakakabasa nito dahil yung mga regular na nabisita sa blog mo eh, naka moved-on na. Ikaw nalang yung hindi! Hehehe

Nagsulat ako kasi...
Masarap balikan yung mga posts, lalo na kung nakikita mo na matagal ka narin nagsulat, nag blog. Kahit na hindi mo pinu-publish yung iba at deleted na rin yung ibang blog posts mo. Siguro ngayon mas pag iigihan kong magsulat, itala yung mga kaganapan sa buhay ko. Nakakatulong din kasi yun para makita mo kung papaano ka nag grow as a person, kaya nga siguro binura ko yung ibang posts ko, kasi nakakatawa at nakakahiya na sya balikan.

Hanggang dito nalang muna sa araw na ito, kailangan kong magpalakas ule, masamang pakiramdam, magandang gabi.

You May Also Like

0 comments