Isang libro

by - 11/02/2015 10:50:00 AM



Ang kwentong ito ay para sa mga broken hearted, oo kwento ito ng buhay mo. Buhay ng mga sawi ang love life. Kwento ito ng katangahan mo sa pag-ibig.

Madali lang daw umibig, madaling ma-fall sa isang tao lalo na kung pasok ito sa "requirements" mo. Matalino? Maganda? Mayaman? Gwapo? Maputi? Moreno? Morena? Maliit? Matangkad? Ano nga ba ang requirements mo? Baka naman masyado ka nang nag iinarte? Kaya ka nasasaktan? Kaya ka umaasa parin sa pinaniniwalaan mong soul mate? Destiny?

Kung sakali man na nakatagpo ka ayon sa requirements mo, masaya ka ba? Kayo pa ba? Nakakatuwang isipin minsan na yung mga napapanood mo sa TV, nababasa mo sa isang nobela ay parang nagiging standards mo sa paghahanap ng mamahalin. Teka, sumaya ka ba dahil may requirement o standards ka? Ikaw ba yung taong tumitingin sa estado ng buhay? Panlabas na anyo?

Baka naman nagkaroon ka na ng traumatic experience sa love life mo kung saan pinili mo munang isarado ang puso mo sa matagal na panahon? Hanggang kailan? Hanggang saan mo kayang isara para sa mga taong pwedeng magmahal sayo? O di naman kaya isa ka na sa mga taong di realistic ang standards pagdating sa usaping pag-ibig?

Ang mahalaga sa mga oras na ito nababasa mo ang akdang ito. Tinatanong kita, tinatanong mo rin ba ang sarili mo? Ang pag ibig parang libro, don't judge the book by it's cover ika nga nila. Hindi mo malalaman hangga't di mo nababasa, hanggang hindi mo ninanamnam ang bawat salita at nilalaman ng kwento.

Ang mahalaga isa ka sa mga taong umaasa parin. Umaasa na ang pag ibig hindi hinahanap. Hindi minamadali. Kundi dumarating sa takdang panahon.



--Paunang salita ng librong isinusulat ko ngayon. Abangan.

You May Also Like

1 comments

  1. daming feelsssssssssssss! kainisss... Hahaha

    I've been trying to divert my attention and intention of readings from the topic of love lately, pero ganun talaga, the story of love, getting broken into pieces and loving again and again repeat until fade, is one of the best feeling and best thing to read for me. I look forward to reading your book then :)

    ReplyDelete