Magbasa tayo.
Nahihilig ako sa pagbabasa, dati naman nagbabasa na talaga ako ng iba't ibang klase ng libro. Philosopy books, Tutorials, Sci-fi, etc. Basta nakukuha yung atensyon ko ng librong yon. Syempre kahit mga internet articles binabasa ko rin. Masakit sa mata, pero lumalalawak yung kaalaman mo sa mga bagay.
Sa ngayon, pinaka-favorite kong libro "The first phone call from heaven by Mitch Albom" ang galing lang ng author, idol ko na sya. Inaantay ko nga maging isang movie ito, dahil best-selling novel naman yung libro. (hopefully) gawin ngang movie, at sana wag masyadong lumayo yung movie sa mismong story ng libro.
Dahil sa pagkahilig ko narin sa libro at totoong may kamahalan ang mga paperbacks, hardcopies eh naiisip ko ang value ng isang e-Reader. Kindle paperwhite 3 at Kobo Glo HD yung mga the best na e-reader na nababasa ko sa mga reviews. Mukhang maganda ang kindle, pero mas gusto ko naman ang kobo dahil sa may personalization ito. Pero wala parin naman akong nakikita at nahahawakan sa dalawa personally.
Bakit e-reader?
Lightweight, madaling dalahin yung library mo sa iisang device lang. Tapos hindi na kailangan bumili ng actual book kasi pwedeng ma-download for free naman, unlike sa bibili ka ng gusto mong libro, mas mahal kapag nakakarami ka na ng binili.
Pwedeng magbasa sa madilim na lugar, lalo na ako sa gabi lang ako may oras para magbasa, ayokong bukas lahat ng ilaw ko sa kwarto para lang magbasa, hindi ako aantukin! (wag isisi sa insomnia) Ibig ko lang sabihin may built-in light ang e-readers, hindi siya backlit tulad ng mga tablets at smartphones na masakit sa mata (eyestrain) kawawa ang astigmatism ko.
Battery, umaabot sya ng 2-3 weeks sa single charge lang. Ang saya diba? Parang sa e-readers nalang ang may forever di mo SIYA kailangan para i-charge agad agad. Pwede mo siyang balikan after a week. (sinong SIYA? Edi yung charger!)
Pero. Iniisip ko parin kung cost-effective nga ang e-readers, titignan. Maghahanap. Oo maghahanap, ng pinaka-mura. Ikaw? May e-reader ka ba? Ok ba talaga?
Magandang umaga!
2 comments
Ive been wanting to have a kindle eversince kaso I was given a free tablet a couple of years ago. Marami rami na din akong epubs and digital magazines and yung mga books ko for school eh nandun.
ReplyDeleteWala pa ring tatalo sa totoong libro :) yung naaamoy at nahahawakan mo yung papel. Hehe.
Im currently reading The Winner Stands Alone by Coelho ..
"Wala pa ring tatalo sa totoong libro :) yung naaamoy at nahahawakan mo yung papel. Hehe. "-- ito yun eh, yung actual book talaga... :)
Deletee-Readers ko dati ay iPad mini kaso wala na sya, hehehe sa phablet nalang ako nagbabasa, kalaban ko lang talaga eyestrain kahit naka eyeglasses na ko.
sarap magbasa ng libro diba? nakakarating ka sa iba't-ibang lugar, nagiging isa ka sa mga karakter ng libro. :)