Wag ipilit.
May mga tao talaga tayong makilala sa buhay natin, mga taong gusto mo pero hindi ka gusto. Mga taong gustong gusto mo makilala pero ayaw sayo. Mga taong akala mo totoo pero tuluyan ka lang nilang nililinlang.
Sabi nga sa nabasa kong isang quote:
When someone wants you in their life, you don't have to fight for a spot.Tama nga siguro na minsan, may mga taong hindi talaga tayo gusto, mga taong wala naman pakielam satin. Mga taong namimili lang ng ilalagay sa buhay nila. Tama nga naman, pwede tayong mamili ng mga taong pakikisamahan natin.
Maging ako man, namili. May ilan na iniwan mula sa nakaraan. Sanay na ata akong mang iwan. Pero bakit hindi ako sanay na iniiwanan? Siguro dahil sinubukan kitang ilagay sa buhay ko, sinubukan kitang kilalanin bilang isang kaibigan o minamahal ko. Hindi lang siguro ako sanay na iniiwan ako ng mga taong sinubukan ko. Mga taong pinagkakatiwalaan ko.
Bakit mga ba ang drama ng post na to?
Simple lang. Gusto ko lang ilabas ang opinyon at nararamdaman ko sa mga oras na ito. Oras na wala akong natatanggap na text, email o tweet sa mga taong pinakamalalapit sakin. Dumarating pala talaga yung oras na kailangan ko ng kausap. Totoong kausap. Yung seryoso. Yung hindi tatawa kapag nagsimula na kong magkwento. Yung hindi ako huhusgahan. Yung taong kaya akong ilagay sa buhay niya. Nang hindi ko kailangan ipilit yung sarili ko. Yung kusang magtatanong sakin. Yung kusang lalapit sakin. Yung kusang kikilalanin ako bilang si I am Super Sam at nang hindi dahil may pagka-weirdo ako. May sariling mundo. Mundo kung saan iilan lang din yung nilalagay ko. Mundo kung saan mga totoo sa paningin ko. Mundo kung saan hindi ko pinilit sumiksik sa mundo ng iba.
Mapang-husga ang mundo nila.--kadalasan nang nakakarami.
Siguro nga, kanya kanya ng trip, personality at attitude. Minsan pa nga kanya kanya ng ideas na pinipilit. Pinag mamalaki. Sa mundo nila, sila ang tama. Sila ang mas nakakaalam base lang sa nakikita nila. Hindi base kung anong klaseng tao ka, hindi base kung anong laman ng tweets mo, nang nakatagong blog na ito.
Ayokong matutong maging mapang husga.
Ang kwento ng buhay ko.
Kakaiba. Kahit ako naguguluhan. May kwento nga ba ang buhay ko? Tulad ng kwento ng mga buhay nila. Maliwanag. Nakakasilaw.
Ang hirap ikwento ang buhay mo, nang buhay ng bawat isa. Ayokong ipilit. Ayokong ipagsiksikan. Oras at ang blog na lamang na ito ang saksi. Sa mga nararamdaman ko, sa mga ideya ko. Ang blog na ito. Ito siguro ang mundo ko, kung saan hindi ko kailangan ipilit ang kwento ko.
Kung babalikan ko siguro lahat ng posts ko sa blog na ito, puro kadramahan. Puro ka weirdo-han. Sabi ko nga, mundo ko ito. Hindi ko rin naman pinipilit sayo.
Respeto.
Malalaman mo lang kung sino ang mga totoong tao sa harap mo, kapag nagsimula kang tumahimik. Sila yung mga taong magtatanong. May ilan na hahayaan ka. Pababayaan ka hanggang sa makalimutan mo na sila. Pero yung mga taong nagtatanong sayo? Napipilitan lang din kaya? Sincere? Ang hirap. Ang hirap alamin kung sino lang ba yung nagpipilit.
Sa dulo ng post ko na to, may dahilan ako syempre meron. Lahat base sa nararamdaman ko. Lahat base sa mga nararanasan ko. Lahat base sa pag gising ko bukas.
3 comments
Oo nga, ang drama mo, eh ikaw nga yung nang-iiwan. Sorry ah.. Hindi ko lang mapigilang mag-react. Ako kasi yung tipong laging iniiwan at naghihintay only to get tired eventually, at yun, iiyak tapos magmomove on na..
ReplyDeleteMahirap maghanap ng taong makikinig satin sincerely at mahirap magtiwala, i guess kaya naimbento ang blog para sa mga pagkakataong walang makakaintindi satin at ayaw nating ma-judge pero gusto nating mag-rant. Hahaha
"Oo nga, ang drama mo, eh ikaw nga yung nang-iiwan. Sorry ah.."
Delete- Ok lang, aminado naman ako eh. hehehe pero hindi naman nang iiwan in a way na makaka-sakit ako ng feelings, siguro nang iiwan dahil mas better talaga compared sakin.
"at ayaw nating ma-judge pero gusto nating mag-rant. Hahaha"
-exactly! hehehe :)
I mean, may mas better compared sakin*
Delete