The end.
Yung excited kang magbasa ng isang novel, yung curious ka kasi medyo mystery to adventure yung story. Yung nararamdaman mong parte ka na ng kwento, yung feeling mo pinapanood mo sila sa isipan mo. Yung pakiramdam mo wala ng katapusan dahil trilogy naman yung novel.
Mula nung nabasa ko yung Book 1 ng Miss Peregrine's Home for Peculiar Children, na curious ako sa paghahanap ng mga kasagutan ni Jacob Portman sa nakaraan ng kanyang Lolo. (Buti pa sya, naisipin niyang usisain ang nakaraang buhay ng Lolo niya, ako konting alaala lang ang natatandaan ko, iilang moments lang ang bumabalik sakin pag naiisip ko ang Lolo kong matagal ng pumanaw.) So, ayun ayoko ng bumitaw sa istorya ng nobelang ito ni Ransom Riggs, akala ko isa itong kwento ng kababalaghan at medyo pambata, pero sinubukan ko parin basahin dahil nirekomenda ito ng pinsan ko.
Nahulog ako. Nahulog ako sa istorya, hanggang sa Book 2 at Book 3, ayokong magwakas yung istorya, namimiss ko ang mga karakter sa libro, pakiramdam ko isa narin akong Peculiar. Makapangyarihan. Tunog pambata? Pero oo, minsan naisip ko kung totoo ba ang kwento, dahil tumagos ito sa mga bagay na pinaniniwalaan ko.
Dumating ang long weekend dahil sa APEC. Wala kaming pasok sa office. Maghapon akong nagbabasa ng nagbabasa. Hanggang di ko namalayan na tapos na pala ang Book 3. Di ko matanggap, di ko kaya. Paano ako makaka move-on sa nobelang akala ko wala ng katapusan?
Ganun nga ata talaga. Lahat nagtatapos, maganda man ang ending. Pero gusto ko parin ng sequel. Naniniwala ako na isa din akong Peculiar at balang araw matutuklasan ko rin ang isang Time Loop, makakasalubong ko si Jacob, Emma, Millard, Bronwyn, Enoch, Claire, Olive, Hugh, Fiona, Horace at si Miss Peregrine. (isip bata ako)
Kailangan ko talaga mag heal pansamantala, bago ako muling magbuklat ng isa pang kwento. Kelangan makabalik muna ako sa reyalidad. Pero paano? Naniniwala ako sa Libro eh. :) Wala akong nabasang "The End" sa libro, isa lang ang tinandaan ko at tumagos sa akin;
"We have time" - Jacob Portman
Update : 7/2/2016
Link ko lang yung kindle version ng books na ito. :)
Book 1 : Miss Peregrine's Home For Peculiar Children
Book 2 : Hollow City
Book 3 : Library Of Souls
Enjoy! :)
2 comments
I used to finish reading books in one-sitting. Iyon ang bisyong binuo at kinunsinti ako ng mga tita ko at ng mga magulang ko.
ReplyDeleteBaliktad tayo, naguguilty akong di ko natatapos ang mga librong nasa akin. At mas gusto kong bumili ng libro kapag wala na talaga kong pera. Haha. Wala kong reading list this year pero next year goal kong maghanap ng mga lbro ulit, kompletuhin ang komiks na Trese at tapusin ang trilogy na librong itong natapos mo :)
Dati sabi ko tuwing makakatapos ako ng libro, magsusulat ako ng review. May mga snippets naman pero til now, di ko pa tapos. Haha.
Haba na ng comment ko. Natutuwa kasi ako dahil usapang pagbabasa at libro ang post na ito!
Everytime na nakakatapos ako ng isang kwento, nasasaktan ako, nanghihinayang, craving for more. Hahaha di ko alam basta madali lang ako mahulog sa mga pangyayari sa kwento eh.
ReplyDeleteInsurgent by Veronica Roth ang binabasa ko ule, naiwanan ko kasing unfinished yung libro, kaya pinagpatuloy ko after ng kay Ransom Riggs.
Basahin mo yung Trilogy ng Miss Peregrine's Home for Peculiar Children, sa ebook ko lang nabasa, pero mukhang mapapabili ako ng paperbacks niya for remembrance hehehe :)