Current view.
Ikalawang beses ko na isi-share ang view na ito mula sa aking kwarto. Una, unang umaga nang January 2015. Ganitong ganito din yun eh, halos walang pinagkaiba. Mula noong una kong nakita. Ngayon, ito ule ang current view ko sa mga oras na ito. Nakakatuwa lang na isipin na ang bilis ng panahon, ang bilis ng isang buong taon.
(The day you said goodnight Acoustic - Hale) biglang tumunog sa playlist ko habang sinusulat ko ito. Nakakainis. Sobrang nakakainis.
Ang post na ito ay malapit na sa pagkagat ng dilim, isang dapit hapon muli sa buhay ko. Kahit naka-shuffle play ako eh talagang nakikisama ang music sa kadramahan ko. Oo. Halos isang buong linggo na kong madrama. Maramdamin. Eh sino bang masasabihan ko ng nararamdaman ko? Wala. Kundi ang blog kong ito. Ang blog ko na iilan lang ang nagbabasa.
Then everything between you and me will be alright.Badtrip tong kanta na to. Kahit medyo matagal na eh ang meaningful ng lyrics at acoustic version pa! Nanadya yata ang panahon eh. Nang aasar.
Kagaya ng nakakarami, lalo na yung mga broken hearted, nakakaramdam din naman ako ng pagka lungkot minsan. Isang buong araw akong nakakulong. Mali, nagkukulong sa kwarto ko. Dating gawi, nagbasa. Nagmumuni muni. Parang gusto kong makita kung ano ang kinabukasan. Kung anong dapit hapon nanaman magtatapos ang buong isang araw ko bukas, sa susunod na bukas, at sa isang bukas. Ganito kaya uli? Ganito kaya uli ang view ko? Taimtim?
Pero kahit ano pa man ang magiging dapit hapon ko, kahit ano pa man ang magiging view ng isang pagkatapos ng buong araw ko, iisa lang talaga yung naaalala ko. Alam kong ang bukas panibagong dapit hapon muli, at alam kong di ko mapipigilan ang pagkagat ng dilim. Ang paglamig ng hangin.
Bukas, sa susunod na bukas, makikilala ko din kung sino ba ang magsasabi sa akin ng "Goodnight". Parang ayaw ko ule marinig, ayokong balikan. Kahit na ilang taon na ang nakalipas. Talagang yung mga tinig niya sadyang di kumukupas. Akala ko ba naka moved-on na ko? Akala ko ba tapos na? Akala ko ba pagkalipas ng buong isang taon na to, malilimutan ko na? Sana isang dapit hapon nalang ang pangyayari na yon. Magwawakas, pero muling babangon kinabukasan. Sana matapos na. Matapos na yung multo ng kahapon ko, yung alaala niya napaka liwanag, nakakasilaw, nakakabagabag ng natutulog na damdamin.
Teka, parang nauulit yung posts ko dati, tungkol sa isang dapit hapon. Tungkol sa kanya. Bukas, sana tapos na. Bukas sana nalimutan ko na talaga. Bukas sana ang salitang "Goodnight" ay di na pagmumulto ng kahapon ko. Sana bukas, yung magsasabi nun, aantayin ako. Aantayin niyang makatulog ako sa puso nya, at bukas, pilit kong hindi na iisipin pa ang isang dapit hapon ng kahapon. Kundi isang maganda at panibagong dapit hapon ng buhay ko.
2 comments
Home for the Peculiar Children! :D ang aking tolerable kind of horror. LOL. (Just saw the instagram pic on the side) Hahaha...
ReplyDeletePanibagong dapit-hapon.... because everything must come to an end and everything starts anew. Gaano man kasaya o kalungkot ang isang araw, lahat yan dadarating sa isang katapusan, isang dapit-hapon. Parang isang pagkakataon kung saan binibigyan ka ng panahong para mag-reflect sa nakaraan, panahon para magdesisyon kung gusto mo pang ulitin o itigil kung anuman ang nakaraan.
"Home for the Peculiar Children! :D ang aking tolerable kind of horror. LOL. (Just saw the instagram pic on the side) Hahaha... "
Delete-maganda sya, nasa book 2 na ko mga 50% na ko, hehehe siguro mababasa ko na din this week yung book 3 nya.
"because everything must come to an end and everything starts anew."
-yes, start ule ng panibago. yun naman ang mahalaga. yung handa ule harapin yung susunod na dapit-hapon, :)