Hindi ko matapos tapos yung unang book na sinusulat ko, The Elementalist sa wattpad--sobrang busy, nawala ako sa track, naubusan ako ng ideas, napunta ang focus sa ibang bagay.
It takes time.
Mahirap magsulat ng story lalo na kung eventually nawala ka sa plot. Kaya pala may mga nobelang inaabot ng taon bago matapos ang buong istorya, bago magkaroon ng pagkaka-kilanlan ang mga characters. Oras at panahon ang igugugol mo para mag-isip ng mga ideas. Pero minsan biglang papasok nalang yung mga ideas sayo habang; nagtatrabaho ka, naliligo ka, nakaupo ka sa isang fast food chain at kumakain ng paboritong fried chicken at french fries, nagbabawas ka sa toilet ng mga kinikimkim mo (kinikimkim, like yung mabaho.)
Di ko alam kung paano ko itutuloy yung kwento na ginawa ko. Hindi ko talaga alam kung paano tatakbo ang kwento, ang buong istorya. Hindi ko rin kilala kung sino pa ang magiging characters doon. Hindi ko parin kilala kung kanino ko ba ipapabasa yun at magiging kritiko ng mga salita at bantay ng takbo ng istorya.
July na.
Ilang buwan na nakalipas mula ng isulat ko yung chapter na unpublish pa naman sa wattpad, walang readers, walang followers, walang comments. July na, ganun parin ang status ng mga published chapters. Nasaan ang hustisya?
August na.
Next week August na pala, tapos "BER" months. Kailangan ko talaga ng tamang time management. Oras para magsulat, magbasa, mag-update ng facebook status, mag-upload ng bagong photo sa instagram, magtweet. Magkaroon ng quality time para sa family, magkaroon ng time para sa tropa, inuman. Ganon. Paano nga ba?
Di bale, kailangan ko gumawa ng schedule, kailangan ko talaga ayusin ang mga pangarap ko (lalim).
Bago magtapos ang taon ng 2016, dapat matapos ko narin ang librong yon, achievement narin kumbaga.