Tag-araw. Mainit. Tanghaling tirik ang araw. Walang pasok sa eskwela. Normal na araw para sa akin ito, pero senyales ang init ng panahon na ito para sa isang siyam o sampung taong gulang na sarili ko nanalalapit na pagbakasyon sa Batangas--swimming, outing, ano pa bang pwedeng itawag?
Normal na buhay, tipikal na araw na alam kong tuwing taon nauulit ang eksenang ito, at mauulit uli sa susunod na taon. Lagi naman kami sa Batangas kung saan empleyado ang tatay ko, at kapatid ng tito ko ang may ari ng resort. Libre? Hindi ko alam, wala akong alam sa mga bagay na yon ng panahon na yon. Ang alam ko lang magsasaya kami, swimming dito swimming doon.
Tipikal na panahon ng tag init, panahon kung saan hindi ako pwedeng walang salbabida, takot ako sa malalim na parte ng tubig, hindi ako marunong lumangoy, at takot ako sa katotohanan na hindi ko alam ang nangyayari sa ilalim na parte ng katawan ko sa tubig. Mas pinipili kong lumangoy malapit sa dalampasigan.
Sa mga oras na ito, maraming tao. Maingay. May naglalaro ng volleyball ilang metro ang layo mula sa kinaroroonan ko, mahilig akong pagmasdan ang daloy ng tubig, tulad ng hilig ko sa pagmamasid sa daloy ng mga tao. Nasa tubig man o nasa dalampasigan.
Nagulat ako ng may isang babae ang lumutang mula sa ilalim ng tubig malapit sa akin, tawa ng tawa. Siguro ay mga sampo hanggang labing-isa ang edad. Kaedaran ko ng panahong iyon. Sumunod ay isang lalaki mga siyam hanggang sampong taong gulang sa tingin ko. Tawa ng tawa at parehas silang nakaharap sa akin habang nakaupo ako sa salbabida ko.
Nakakaloko ang mga ito, hindi ko alam kung bakit sila tumatawa. Pero sa tingin ko may "kaya" ang mga to, base sa kutis ng balat at sa kung paano nila ako pagtawanan.
"Seryoso to." Sabi ng babae. "Baka di magpahiram yan." sabi naman ng lalaki.
"Bakit?" tanong ko. "Di ka marunong lumangoy?" sabi ng lalaki.
"Marunong pero pasisid lang, tsaka wala akong goggles." sabi ko.
"Tara, sama ka sa amin, sisid sisid tayo sa ilalim." pag aaya ng babae.
"Hiramin ko muna salbabida mo, tapos sama ka sa kapatid ko, eto goggles, maganda naman sa ilalim ng tubig may mga nakita kaming blue na isda." inabot ng babae ang goggles nya.
"sige." sabi ko naman.
Sumisid ako kasama ang kapatid niyang lalaki, hindi naman sa kalaliman pero may mga asul nga na isda. Nakakamangha. Sumenyas sa ilalim ang lalaki na hulihin namin, pero hinayaan ko syang gawin yon. Namamangha ako sa asul na isda, sa mga lamang dagat na parang busy sa paglangoy kung saan saan.
Napansin kong nakakatawa lumangoy ang lalaki, parang palaka. Eksaherado, nagpapatawa sa ilalim ng tubig dahilan para umahon ako ng kinakapos ng hininga, nakakatawa.
"HAHAHAHA" hingal na pagtawa ko. Kasunod ng pag ahon ng lalaki. Natatawa din ang kapatid nyang babae.
"Lagi kayo napunta dito?" tanong ko sa kanila.
"Ngayon lang, sinubukan lang namin sa resort na to."
Dahil bata at puro paglalaro ang isip, walang pormal na pagkakakilanlan. Ang alam ko, naging masaya ko kasama ang dalawang magkapatid, parehas silang nakakatawa hindi ko akalain na makakatagpo ako ng kalaro mula sa ilalim ng tubig--tubig na takot akong lumangoy, sumisid.
Hanggang isang ginang ang tumawag sa magkapatid, pinagbabanlaw sila, malapit na silang umuwi ayon sa pagkakarinig ko.
"Sige, dito na kami." nakangiti na sabi ng magkapatid.
"magkikita pa naman siguro tayo" sabi ng babae.
"tuwing summer andito kami, sana bumalik kayo dito." sabi ko.
Hapon. Nagbanlaw na ako, nakakatuwa na may mga taong walang ginawa kundi tumawa, sa maliliit na bagay. Mga bagay na akala ko nakakatakot, tulad ng kalaliman ng dagat. Takot ako, takot akong mapunta sa malalim.
Bumalik ako sa dalampasigan, kulay kahel (orange) na ang araw, palubog at ang ganda pagmasdan. Nang may tumawag sakin.
"Hoy! Andyan ka pala!!" sigaw ng lalaki papalapit sila sakin magkapatid. Nakikita ko sa suot nila na may "kaya" nga sila, malinis sila tignan sa suot nila. Pero di mawawala sa mukha nila ang mga nakakaloko nilang ngiti.
Kumuha ng maliit na bato ang lalaki at hinagis sa tubig dagat.
"Pauwi na kami eh, sayang di na tayo makakapaglaro" sabi ng babae.
"Ok lang yan, babalik pa naman ata kayo dito next year." sabi ko.
"Di namin sigurado." sabi ng lalaki.
Isang tinig ng ginang muli ang tumawag "Tara na aalis na tayo!"
Sigaw nya sa di kalayuan.
"Uy, salamat ah." sabi ng babae.
"baka di na tayo magkita, sayang." sabi ng lalaki. "Uwi na kami ha. Bye." ika naman ng babae.
"Ingat kayo! Sana balik kayo next year dito." sabi ko.
Umalis sila, nakangiti parin, parang di uso sa mukha nila ang ekspresyon na simangot.
Malapit na magdilim, dapit-hapon. Malamig na simoy ng hangin mula sa dagat, wala akong naririnig na hampas ng alon, tila kalmado din ang dagat, tulad ng nadarama ko, mula ng makilala ko ang magkapatid na iyon, sa liit ng panahon at oras na nakasama ko sila nakakalungkot na mula sa lugar na ito, nakakilala ako ng mga munting kaibigan, kaibigan na walang pormal na pagkakakilanlan, kaibigan mula sa ilalim ng dagat. Pinagtawanan ako dahil seryoso ako sa pagmamasid ng mga tao sa paligid.
Kaibigan na walang pangako. Kaibigan na totoo ng ilang oras ng buhay ko sa lugar na ito. Mga kaibigan na akala ko makikita ko parin sa mga susunod na taon. Pero hanggang doon lamang ata talaga ang mga kabigan na nakilala ko sa lugar na ito. Magiging alala hanggang sa buhay ko sa kasalukuyan. Kaibigan na naging totoo.
Matagal na panahon narin akong hindi nakabalik sa lugar na yon, unti unti kada taon nalimutan namin ang pagbisita sa lugar, na parang di namin napuntahan. Naging isang alaala, tulad ng mga kaibigan na nakilala ko doon. Ala-ala na lamang sila ng dagat kung saan ko sila nakilala.
Ang kaibigan, hindi nasusukat sa haba ng panahon o ng oras mo sila nakilala. Ang kaibigan nasusukat kung gaano mo sila nakasama ng masaya o ng malungkot. Ang kaibigan nasusukat kung gaano nila ipinakita ang totoo nilang pagkatao ng ilang oras, walang pagkakakilanlan. Pero sa puso at ala-ala minsan may kaibigan kang naging totoo. Totoong-totoo. Hindi kailangan ng mahabang oras. Kasing lalim ng dagat na pinagsamahan, at iisang bagay na ikina-sasayang gawin. Doon nasusukat ang isang totoong kaibigan at hindi basta basta makakalimutan.
Yung excited kang magbasa ng isang novel, yung curious ka kasi medyo mystery to adventure yung story. Yung nararamdaman mong parte ka na ng kwento, yung feeling mo pinapanood mo sila sa isipan mo. Yung pakiramdam mo wala ng katapusan dahil trilogy naman yung novel.
Mula nung nabasa ko yung Book 1 ng Miss Peregrine's Home for Peculiar Children, na curious ako sa paghahanap ng mga kasagutan ni Jacob Portman sa nakaraan ng kanyang Lolo. (Buti pa sya, naisipin niyang usisain ang nakaraang buhay ng Lolo niya, ako konting alaala lang ang natatandaan ko, iilang moments lang ang bumabalik sakin pag naiisip ko ang Lolo kong matagal ng pumanaw.) So, ayun ayoko ng bumitaw sa istorya ng nobelang ito ni Ransom Riggs, akala ko isa itong kwento ng kababalaghan at medyo pambata, pero sinubukan ko parin basahin dahil nirekomenda ito ng pinsan ko.
Nahulog ako. Nahulog ako sa istorya, hanggang sa Book 2 at Book 3, ayokong magwakas yung istorya, namimiss ko ang mga karakter sa libro, pakiramdam ko isa narin akong Peculiar. Makapangyarihan. Tunog pambata? Pero oo, minsan naisip ko kung totoo ba ang kwento, dahil tumagos ito sa mga bagay na pinaniniwalaan ko.
Dumating ang long weekend dahil sa APEC. Wala kaming pasok sa office. Maghapon akong nagbabasa ng nagbabasa. Hanggang di ko namalayan na tapos na pala ang Book 3. Di ko matanggap, di ko kaya. Paano ako makaka move-on sa nobelang akala ko wala ng katapusan?
Ganun nga ata talaga. Lahat nagtatapos, maganda man ang ending. Pero gusto ko parin ng sequel. Naniniwala ako na isa din akong Peculiar at balang araw matutuklasan ko rin ang isang Time Loop, makakasalubong ko si Jacob, Emma, Millard, Bronwyn, Enoch, Claire, Olive, Hugh, Fiona, Horace at si Miss Peregrine. (isip bata ako)
Kailangan ko talaga mag heal pansamantala, bago ako muling magbuklat ng isa pang kwento. Kelangan makabalik muna ako sa reyalidad. Pero paano? Naniniwala ako sa Libro eh. :) Wala akong nabasang "The End" sa libro, isa lang ang tinandaan ko at tumagos sa akin;
"We have time" - Jacob Portman
Update : 7/2/2016
Link ko lang yung kindle version ng books na ito. :)
Book 1 : Miss Peregrine's Home For Peculiar Children
Book 2 : Hollow City
Book 3 : Library Of Souls
Enjoy! :)
Ikalawang beses ko na isi-share ang view na ito mula sa aking kwarto. Una, unang umaga nang January 2015. Ganitong ganito din yun eh, halos walang pinagkaiba. Mula noong una kong nakita. Ngayon, ito ule ang current view ko sa mga oras na ito. Nakakatuwa lang na isipin na ang bilis ng panahon, ang bilis ng isang buong taon.
(The day you said goodnight Acoustic - Hale) biglang tumunog sa playlist ko habang sinusulat ko ito. Nakakainis. Sobrang nakakainis.
Ang post na ito ay malapit na sa pagkagat ng dilim, isang dapit hapon muli sa buhay ko. Kahit naka-shuffle play ako eh talagang nakikisama ang music sa kadramahan ko. Oo. Halos isang buong linggo na kong madrama. Maramdamin. Eh sino bang masasabihan ko ng nararamdaman ko? Wala. Kundi ang blog kong ito. Ang blog ko na iilan lang ang nagbabasa.
Then everything between you and me will be alright.Badtrip tong kanta na to. Kahit medyo matagal na eh ang meaningful ng lyrics at acoustic version pa! Nanadya yata ang panahon eh. Nang aasar.
Kagaya ng nakakarami, lalo na yung mga broken hearted, nakakaramdam din naman ako ng pagka lungkot minsan. Isang buong araw akong nakakulong. Mali, nagkukulong sa kwarto ko. Dating gawi, nagbasa. Nagmumuni muni. Parang gusto kong makita kung ano ang kinabukasan. Kung anong dapit hapon nanaman magtatapos ang buong isang araw ko bukas, sa susunod na bukas, at sa isang bukas. Ganito kaya uli? Ganito kaya uli ang view ko? Taimtim?
Pero kahit ano pa man ang magiging dapit hapon ko, kahit ano pa man ang magiging view ng isang pagkatapos ng buong araw ko, iisa lang talaga yung naaalala ko. Alam kong ang bukas panibagong dapit hapon muli, at alam kong di ko mapipigilan ang pagkagat ng dilim. Ang paglamig ng hangin.
Bukas, sa susunod na bukas, makikilala ko din kung sino ba ang magsasabi sa akin ng "Goodnight". Parang ayaw ko ule marinig, ayokong balikan. Kahit na ilang taon na ang nakalipas. Talagang yung mga tinig niya sadyang di kumukupas. Akala ko ba naka moved-on na ko? Akala ko ba tapos na? Akala ko ba pagkalipas ng buong isang taon na to, malilimutan ko na? Sana isang dapit hapon nalang ang pangyayari na yon. Magwawakas, pero muling babangon kinabukasan. Sana matapos na. Matapos na yung multo ng kahapon ko, yung alaala niya napaka liwanag, nakakasilaw, nakakabagabag ng natutulog na damdamin.
Teka, parang nauulit yung posts ko dati, tungkol sa isang dapit hapon. Tungkol sa kanya. Bukas, sana tapos na. Bukas sana nalimutan ko na talaga. Bukas sana ang salitang "Goodnight" ay di na pagmumulto ng kahapon ko. Sana bukas, yung magsasabi nun, aantayin ako. Aantayin niyang makatulog ako sa puso nya, at bukas, pilit kong hindi na iisipin pa ang isang dapit hapon ng kahapon. Kundi isang maganda at panibagong dapit hapon ng buhay ko.
Yes, dumating na ang kindle paperwhite na order ko kahapon lang. Di ako magkanda ugaga sa pag convert ng mga existing e-Books ko at paglalagay sa paperwhite ko. Mas magiging tutok talaga ako nito sa pagbabasa. Ang bait at ang bilis lang ng delivery nito sakin. From GMET TRADING, nung una natakot ako bumili dun kasi nga kokonti ang nakikita kong reviews sa kanya, pero good feedbacks naman lahat iyon.
Mas lighter talaga sya, para kang nagbabasa sa totoong papel, syempre walang amoy paperbacks. Pero ang point ko nito ay mas maraming libro akong mababasa. Mas cheaper in the long run kumbaga. Ang dami dami kong gustong basahin, ito na talaga yung sagot sa mga kahilingan ko. Hehehe
Piyaya, gatas at kindle paperwhite. Yan ang meryenda ko kanina. Pero sa aking pagbabasa basa sa facebook at twitter, mas naging agaw atensyon ang pangyayari sa Paris, nakakatakot lang isipin na nangyari iyon dun. Sana lang talaga magkaroon na ng world peace.
Sa ngayon, ingat ang kailangan natin kahit dito sa sariling bansa. Nakakatakot lang.
Basta ako, magbabasa. pupunta sa iba't-ibang daigdig. Sa mundo kung saan nabubuhay ka sa iba't-ibang karakter. Natututo sa mga kaganapan at pangyayari na nilalahad ng isang libro. :)
A reader lives a thousand lives before he dies. The man who never reads lives only one.
May mga tao talaga tayong makilala sa buhay natin, mga taong gusto mo pero hindi ka gusto. Mga taong gustong gusto mo makilala pero ayaw sayo. Mga taong akala mo totoo pero tuluyan ka lang nilang nililinlang.
Maging ako man, namili. May ilan na iniwan mula sa nakaraan. Sanay na ata akong mang iwan. Pero bakit hindi ako sanay na iniiwanan? Siguro dahil sinubukan kitang ilagay sa buhay ko, sinubukan kitang kilalanin bilang isang kaibigan o minamahal ko. Hindi lang siguro ako sanay na iniiwan ako ng mga taong sinubukan ko. Mga taong pinagkakatiwalaan ko.
Bakit mga ba ang drama ng post na to?
Simple lang. Gusto ko lang ilabas ang opinyon at nararamdaman ko sa mga oras na ito. Oras na wala akong natatanggap na text, email o tweet sa mga taong pinakamalalapit sakin. Dumarating pala talaga yung oras na kailangan ko ng kausap. Totoong kausap. Yung seryoso. Yung hindi tatawa kapag nagsimula na kong magkwento. Yung hindi ako huhusgahan. Yung taong kaya akong ilagay sa buhay niya. Nang hindi ko kailangan ipilit yung sarili ko. Yung kusang magtatanong sakin. Yung kusang lalapit sakin. Yung kusang kikilalanin ako bilang si I am Super Sam at nang hindi dahil may pagka-weirdo ako. May sariling mundo. Mundo kung saan iilan lang din yung nilalagay ko. Mundo kung saan mga totoo sa paningin ko. Mundo kung saan hindi ko pinilit sumiksik sa mundo ng iba.
Mapang-husga ang mundo nila.--kadalasan nang nakakarami.
Siguro nga, kanya kanya ng trip, personality at attitude. Minsan pa nga kanya kanya ng ideas na pinipilit. Pinag mamalaki. Sa mundo nila, sila ang tama. Sila ang mas nakakaalam base lang sa nakikita nila. Hindi base kung anong klaseng tao ka, hindi base kung anong laman ng tweets mo, nang nakatagong blog na ito.
Ayokong matutong maging mapang husga.
Ang kwento ng buhay ko.
Kakaiba. Kahit ako naguguluhan. May kwento nga ba ang buhay ko? Tulad ng kwento ng mga buhay nila. Maliwanag. Nakakasilaw.
Ang hirap ikwento ang buhay mo, nang buhay ng bawat isa. Ayokong ipilit. Ayokong ipagsiksikan. Oras at ang blog na lamang na ito ang saksi. Sa mga nararamdaman ko, sa mga ideya ko. Ang blog na ito. Ito siguro ang mundo ko, kung saan hindi ko kailangan ipilit ang kwento ko.
Kung babalikan ko siguro lahat ng posts ko sa blog na ito, puro kadramahan. Puro ka weirdo-han. Sabi ko nga, mundo ko ito. Hindi ko rin naman pinipilit sayo.
Respeto.
Malalaman mo lang kung sino ang mga totoong tao sa harap mo, kapag nagsimula kang tumahimik. Sila yung mga taong magtatanong. May ilan na hahayaan ka. Pababayaan ka hanggang sa makalimutan mo na sila. Pero yung mga taong nagtatanong sayo? Napipilitan lang din kaya? Sincere? Ang hirap. Ang hirap alamin kung sino lang ba yung nagpipilit.
Sa dulo ng post ko na to, may dahilan ako syempre meron. Lahat base sa nararamdaman ko. Lahat base sa mga nararanasan ko. Lahat base sa pag gising ko bukas.
Sabi nga sa nabasa kong isang quote:
When someone wants you in their life, you don't have to fight for a spot.Tama nga siguro na minsan, may mga taong hindi talaga tayo gusto, mga taong wala naman pakielam satin. Mga taong namimili lang ng ilalagay sa buhay nila. Tama nga naman, pwede tayong mamili ng mga taong pakikisamahan natin.
Maging ako man, namili. May ilan na iniwan mula sa nakaraan. Sanay na ata akong mang iwan. Pero bakit hindi ako sanay na iniiwanan? Siguro dahil sinubukan kitang ilagay sa buhay ko, sinubukan kitang kilalanin bilang isang kaibigan o minamahal ko. Hindi lang siguro ako sanay na iniiwan ako ng mga taong sinubukan ko. Mga taong pinagkakatiwalaan ko.
Bakit mga ba ang drama ng post na to?
Simple lang. Gusto ko lang ilabas ang opinyon at nararamdaman ko sa mga oras na ito. Oras na wala akong natatanggap na text, email o tweet sa mga taong pinakamalalapit sakin. Dumarating pala talaga yung oras na kailangan ko ng kausap. Totoong kausap. Yung seryoso. Yung hindi tatawa kapag nagsimula na kong magkwento. Yung hindi ako huhusgahan. Yung taong kaya akong ilagay sa buhay niya. Nang hindi ko kailangan ipilit yung sarili ko. Yung kusang magtatanong sakin. Yung kusang lalapit sakin. Yung kusang kikilalanin ako bilang si I am Super Sam at nang hindi dahil may pagka-weirdo ako. May sariling mundo. Mundo kung saan iilan lang din yung nilalagay ko. Mundo kung saan mga totoo sa paningin ko. Mundo kung saan hindi ko pinilit sumiksik sa mundo ng iba.
Mapang-husga ang mundo nila.--kadalasan nang nakakarami.
Siguro nga, kanya kanya ng trip, personality at attitude. Minsan pa nga kanya kanya ng ideas na pinipilit. Pinag mamalaki. Sa mundo nila, sila ang tama. Sila ang mas nakakaalam base lang sa nakikita nila. Hindi base kung anong klaseng tao ka, hindi base kung anong laman ng tweets mo, nang nakatagong blog na ito.
Ayokong matutong maging mapang husga.
Ang kwento ng buhay ko.
Kakaiba. Kahit ako naguguluhan. May kwento nga ba ang buhay ko? Tulad ng kwento ng mga buhay nila. Maliwanag. Nakakasilaw.
Ang hirap ikwento ang buhay mo, nang buhay ng bawat isa. Ayokong ipilit. Ayokong ipagsiksikan. Oras at ang blog na lamang na ito ang saksi. Sa mga nararamdaman ko, sa mga ideya ko. Ang blog na ito. Ito siguro ang mundo ko, kung saan hindi ko kailangan ipilit ang kwento ko.
Kung babalikan ko siguro lahat ng posts ko sa blog na ito, puro kadramahan. Puro ka weirdo-han. Sabi ko nga, mundo ko ito. Hindi ko rin naman pinipilit sayo.
Respeto.
Malalaman mo lang kung sino ang mga totoong tao sa harap mo, kapag nagsimula kang tumahimik. Sila yung mga taong magtatanong. May ilan na hahayaan ka. Pababayaan ka hanggang sa makalimutan mo na sila. Pero yung mga taong nagtatanong sayo? Napipilitan lang din kaya? Sincere? Ang hirap. Ang hirap alamin kung sino lang ba yung nagpipilit.
Sa dulo ng post ko na to, may dahilan ako syempre meron. Lahat base sa nararamdaman ko. Lahat base sa mga nararanasan ko. Lahat base sa pag gising ko bukas.
Nahihilig ako sa pagbabasa, dati naman nagbabasa na talaga ako ng iba't ibang klase ng libro. Philosopy books, Tutorials, Sci-fi, etc. Basta nakukuha yung atensyon ko ng librong yon. Syempre kahit mga internet articles binabasa ko rin. Masakit sa mata, pero lumalalawak yung kaalaman mo sa mga bagay.
Sa ngayon, pinaka-favorite kong libro "The first phone call from heaven by Mitch Albom" ang galing lang ng author, idol ko na sya. Inaantay ko nga maging isang movie ito, dahil best-selling novel naman yung libro. (hopefully) gawin ngang movie, at sana wag masyadong lumayo yung movie sa mismong story ng libro.
Dahil sa pagkahilig ko narin sa libro at totoong may kamahalan ang mga paperbacks, hardcopies eh naiisip ko ang value ng isang e-Reader. Kindle paperwhite 3 at Kobo Glo HD yung mga the best na e-reader na nababasa ko sa mga reviews. Mukhang maganda ang kindle, pero mas gusto ko naman ang kobo dahil sa may personalization ito. Pero wala parin naman akong nakikita at nahahawakan sa dalawa personally.
Bakit e-reader?
Lightweight, madaling dalahin yung library mo sa iisang device lang. Tapos hindi na kailangan bumili ng actual book kasi pwedeng ma-download for free naman, unlike sa bibili ka ng gusto mong libro, mas mahal kapag nakakarami ka na ng binili.
Pwedeng magbasa sa madilim na lugar, lalo na ako sa gabi lang ako may oras para magbasa, ayokong bukas lahat ng ilaw ko sa kwarto para lang magbasa, hindi ako aantukin! (wag isisi sa insomnia) Ibig ko lang sabihin may built-in light ang e-readers, hindi siya backlit tulad ng mga tablets at smartphones na masakit sa mata (eyestrain) kawawa ang astigmatism ko.
Battery, umaabot sya ng 2-3 weeks sa single charge lang. Ang saya diba? Parang sa e-readers nalang ang may forever di mo SIYA kailangan para i-charge agad agad. Pwede mo siyang balikan after a week. (sinong SIYA? Edi yung charger!)
Pero. Iniisip ko parin kung cost-effective nga ang e-readers, titignan. Maghahanap. Oo maghahanap, ng pinaka-mura. Ikaw? May e-reader ka ba? Ok ba talaga?
Magandang umaga!

Everything will be okay in the end. If it's not okay, then it's not the end. --Ed Sheeran
Ang kwentong ito ay para sa mga broken hearted, oo kwento ito ng buhay mo. Buhay ng mga sawi ang love life. Kwento ito ng katangahan mo sa pag-ibig.
Madali lang daw umibig, madaling ma-fall sa isang tao lalo na kung pasok ito sa "requirements" mo. Matalino? Maganda? Mayaman? Gwapo? Maputi? Moreno? Morena? Maliit? Matangkad? Ano nga ba ang requirements mo? Baka naman masyado ka nang nag iinarte? Kaya ka nasasaktan? Kaya ka umaasa parin sa pinaniniwalaan mong soul mate? Destiny?
Kung sakali man na nakatagpo ka ayon sa requirements mo, masaya ka ba? Kayo pa ba? Nakakatuwang isipin minsan na yung mga napapanood mo sa TV, nababasa mo sa isang nobela ay parang nagiging standards mo sa paghahanap ng mamahalin. Teka, sumaya ka ba dahil may requirement o standards ka? Ikaw ba yung taong tumitingin sa estado ng buhay? Panlabas na anyo?
Baka naman nagkaroon ka na ng traumatic experience sa love life mo kung saan pinili mo munang isarado ang puso mo sa matagal na panahon? Hanggang kailan? Hanggang saan mo kayang isara para sa mga taong pwedeng magmahal sayo? O di naman kaya isa ka na sa mga taong di realistic ang standards pagdating sa usaping pag-ibig?
Ang mahalaga sa mga oras na ito nababasa mo ang akdang ito. Tinatanong kita, tinatanong mo rin ba ang sarili mo? Ang pag ibig parang libro, don't judge the book by it's cover ika nga nila. Hindi mo malalaman hangga't di mo nababasa, hanggang hindi mo ninanamnam ang bawat salita at nilalaman ng kwento.
Ang mahalaga isa ka sa mga taong umaasa parin. Umaasa na ang pag ibig hindi hinahanap. Hindi minamadali. Kundi dumarating sa takdang panahon.
--Paunang salita ng librong isinusulat ko ngayon. Abangan.
Undas nanaman, pansin ko lang every year tuwing undas ganito lagi ang panahon; makulimlim, tahimik, malamig at maraming nakakatakot na palabas sa TV. Pero bakit di ako natatakot? (takot lang naman akong umibig muli) hugot pa more.
Sa mga ganitong panahon marami akong napagmumuni-munihan, mga bagay na senyales nanaman nang nalalapit na pagtatapos ng taon. Isang buwan nalang eh pasko nanaman. Naka moved-on na sya, ako hindi pa. (moved-on na men!) araw ng mga patay, isama mo na rin diyan ang puso kong patay na patay sayo! Kung ayaw mo ako nalang ang dadalaw.
Balik tayo sa usapan, saan ka ngayong undas? Ako di nakadalaw sa tito ko, sa lolo ko at namimiss kong lola ko na tumira ng mahigit isang taon dito sa amin. Mamaya magtitirik kami ng kandila, ipagdadasal ang mga mahal sa buhay na yumao, ipagtirik ko narin kaya ng kandila ang puso ko? :)
Naalala ko nung bata pa kami, mahilig kami gumawa ng mga nakakatakot na bagay, gagawa kami ng manikin na white lady at itatayo sa terrace ng bahay ng tita ko, yung mga nakakakita naman takot din. Nakakatawa pala masdan yung mga taong takot sa ganun? Di dahil masama ako para pagtawanan sila, nakakatawa in a sense na marami talagang takot sa maligno, multo at iba pa.
Dahil natural sa tao yung matakot sa mga bagay na di nila alam, mga bagay na wala agad scientific explantions. Ako man, naniniwala sa mga multo. Nakakita na ko ng maraming beses, nakarinig at nakaramdam. Hindi ko malilimutan yung panahon na buong pamilya kami mismo nakaramdam at nakarinig. Nakakatakot. Natakot ako kasi aware sila sa nararamdaman o naririnig ko, di pala gawa yun ng malikot na imahinasyon na meron ako.
Malamang, syempre marami sainyo ang di naniniwala, siguro dahil walang personal experience sa paranormal. Pero totoo man sila o hindi, lagi nalang natin tandaan na ang araw na ito ay para gunitain sila, ipagdasal at para makita na nila ang liwanag na hinahanap nila.
Update: 6:14 PM
Lumipas nanaman ang araw na ito na nakababad ako sa internet, isa na nga talaga akong tunay na adik dito. Pero inayos, binuhay at pinasimple ko lang naman kasi muli ang aking blogsite, binago ko kahit ang hirap hirap para sa pagbabago. Kahit ang hirap mag move-on. Hehehe
Pero ito ako muling nagsusulat nanaman, di pa nga ako naliligo, tulo sipon ko dahil tinamaan nanaman ako ng sakit kahit na araw araw naman ako nainom ng Vitamin C. Pati sipon, ayaw akong lubayan, di rin maka move-on sakin.
Bakit ba ko muling nagsusulat?
Masarap kasi sa pakiramdam yung naisusulat mo ang mga gusto mong sabihin, kahit walang patutunguhan yung post, kahit alam mong maaaring wala ng nakakabasa nito dahil yung mga regular na nabisita sa blog mo eh, naka moved-on na. Ikaw nalang yung hindi! Hehehe
Nagsulat ako kasi...
Masarap balikan yung mga posts, lalo na kung nakikita mo na matagal ka narin nagsulat, nag blog. Kahit na hindi mo pinu-publish yung iba at deleted na rin yung ibang blog posts mo. Siguro ngayon mas pag iigihan kong magsulat, itala yung mga kaganapan sa buhay ko. Nakakatulong din kasi yun para makita mo kung papaano ka nag grow as a person, kaya nga siguro binura ko yung ibang posts ko, kasi nakakatawa at nakakahiya na sya balikan.
Hanggang dito nalang muna sa araw na ito, kailangan kong magpalakas ule, masamang pakiramdam, magandang gabi.